Julia Barretto Na-Ospital, May Mahalagang Mensahe Para Sa Kanyang Mga Fans!

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Nakalabas na sa hospital ang aktres na si Julia Barretto matapos ang kanyang pananatili roon ng dalawang araw matapos maisugod sa pagamutan noong weekend.


Hindi naging madamot ang aktres na si Julia Barretto sa kanyang mga fans sa pagbabahagi ng kanyang kalagayan habang naroon siya sa pagamutan.


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan habang nasa hospital kung saan makikitang mayroong nasal tube na nakalagay sa kanyang ilong.


Hindi naman isiniwalat ni Julia Barretto ang dahilan kung bakit siya isinugos sa hospital.


"Discharged and finally home. Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days. Thank you for the long hours of hard work," pahayag ni Julia Barretto.


Nagbigay rin siya ng mensahe para sa lahat ng mga netizens na dapat i-priority ang kalusugan kaysa sa trabaho.


"A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority. Sending good energy!"


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pag-aalala mula sa kanyang mga fans, na sinasabi nilang dapat ay ingatan ni Julia Barretto ang kanyang kalusugan.


Maging ang kanyang ina na si Marjorie Barretto at mga kapatid ay napakomento rin sa naging post ni Julia Barretto.


Labis silang nasisiyahan na sa wakas ay nakalabas na ang dalaga at nakauwi na sa kanyang bahay. Pinaalalahanan din ni Marjorie Barretto ang kanyang anak na magpahinga rin.


Sa ngayon, ay patuloy pa ring nagpapahinga ang aktres sa kanilang tahanan upang tuluyang manumbalik ang kanyang lakas.


Hinala naman ng mga fans ng aktres na na-overfatigue ang aktres sa sunod-sunod na proyekto nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo