Markus Paterson Tinawag Na Best Mother Si Janella Salvador Para Sa Kanya at Sa Kanilang Anak

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Sa isang pinakabagong post sa social media ng aktor na si Markus Paterson, binati niya si Janella Salvador sa pagdiriwang ng Mother's Day ngayong taon, na ikinatuwa ng mga netizens at mga tagasuporta ng aktres.


Nitong Linggo, May 12, 2024 nag-post si Markus Paterson sa kanyang official na Instagram page ng nakakaantig na mensahe para kay Janella Salvador kalakip ang larawan ng aktres na karga-karga ang kanilang anak na si Jude Trevor.


Kaagad naman na nag-viral ang nasabing larawan larawan, na makikitang all-smiles sina Janella Salvador at Jude habang papasok sila sa loob ng huge bubble sa isang grand party. 


Samantala, ang pumukaw sa puso ng mga netizen ay ang taos-puso pagbati ni Markus Paterson kay Janella Salvador sa Mother's Day, na tinawag niyang "best mother" sa kanilang anak.


"Happy Mother's Day to you, mother of my child. You're the best mother me and Jude could ever dream of," caption ni Markus Paterson sa larawan nina Janella at Jude.


Matatandaan na ginulat ni Markus Paterson at Janella Salvador ang kanilang mga tagahanga ng kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong 2022.


Gayunpaman, tila naging maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa kanilang nag-iisang anak na si Jude Trevor Paterson.


Samantala, kamakailan lamang ay nasa ilalim ng spotlight si Markus Paterson dahil sa kanyang pinakabagong online post. 


Sa kanyang Instagram page, nag-upload si Markus ng ilang cozy photos na kuha niya kasama si Lou Yanong, isang modelo. Sa mga larawan, makikita ang dalawa na naka-pose sa tabi ng isa't isa, na nakasuot ng contrasting na damit. Ito ang nag-udyok kay Markus na i-dub ang kanilang larawan bilang "contrast cuteness" pagkatapos. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo