Mosang Isiniwalat Ang Hindi Niya Malilimutang Ginawa Ng Kanyang Kaibigan

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Ibinahagi ng komedyanteng si Maria Alilia Bagio, na mas kilala sa tawag na ‘Mosang,’ ang isa sa mga hindi malilimutang gestures ng isang kaibigan.


Sa panayam kay Ogie Diaz, sinabi ni Mosang na tinulungan siya ni Judy Ann Santos, na naging co-star niya sa isang soap opera sa “Esperanza” ng ABS-CBN sa pinakamababang punto ng kanyang buhay.


Naalala ni Mosang kung paano sinagot ni Judy Ann ang lahat ng kanyang mga gastusin noong siya ay naospital at walang pera para ipambayad.


Inasikaso pa ang kanyang mga pangangailangan nang hindi bababa sa dalawang buwan dahil hindi siya makapagtrabaho habang nagpapagaling.


Ayon sa kanya, akala niya ay P30,000 lang ang ibibigay ni Judy Ann sa kanyang pagkaka-ospital, pero nagulat siya nang binayaran din ng aktres ang lahat ng bills niya sa ospital at personal siyang inalagaan.


Pagbabahagi ni Mosang, “Sinulat sa tseke, trenta ‘yung ibinigay. Pagkatapos ng taping niya pupunta sa hospital, aalagaan pa ako. Tapos binayaran niya ‘yung buong bill. Pinadala ‘yung card niya. ‘Ipag-grocery mo si Mosang ng 2 months.”



“Sa mga showbiz friends siya ‘yung totoo,” dagdag pa niya.


Sa kasalukuyan, financially stable na si Mosang at sinasabing kumikita ng anim na digit kada buwan dahil sa kanyang negosyong pagkain.


Bukod sa kanyang negosyo, bahagi rin siya ng longest-running Saturday family sitcom ng GMA Network na ‘Pepito Manaloto’ na pinangungunahan nina Michael V at Manilyn Reynes.


Samantala narito naman ang ila sa mga saloobin ng mga netizens.


"Magaling na artista din si mosang..at dko akalin kaibgan nia si jydy ann santos lalo ko tuloy hinangaan si juday..isang tunay na kaibgan."


"I’m surprised. Ang Bait ni Juday that’s why she’s Blessed, Angel in this Earth sabi nga ni Mosang. I felt na proud si Juday while watching this Video."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo