Antonette Gail Binatikos Dahil Sa Pagbihis Bilang Mary Sa Kanyang “Piliin Mo Ang Pilipinas” Entry

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng internet influencer na si Antonette Gail ang pagkakataong sumabay sa trend na 'Piliin mo ang Pilipinas' challenge, tulad ng kanyang partner na si Whamos Cruz.


Sa kanyang entry, nag-pose si Antonette Gail ng iba't-ibang mga looks suot ang iba't-ibang mga costumes  kabilang na ang Virgin Mary inspired-costumed, bilang bahagi ng kanyang pakikilahok sa trend.


Gayunpaman, hindi lahat ng netizens ay natuwa sa costume ni Antonette Gail Del Rosario, lalo na ang mga Katolikong deboto.


Naniniwala ang maraming mga deboto ni Mama Mary na hindi kagalang-galang at kawalan ng respeto sa kanilang pananampalataya ang ginawa ni Antonette Gail.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naniniwalang hindi nababagay kay Antonette Gail ang ganitong uri ng kasuotan.


“Hindi bagay sa kanya ,si mama mary banal na babae at hindi retokada ang katawan at hindi din nagsasayaw ng malaswa sa birthday party.”


“Yan na ang nagagawa ng kamunduhan puro kabalbalan na bukas may sungay naman ang ipapakita nyan.”


“Bakit ginagamit nila ung imahe ng saint eh di nmn akma s knilang pgakatao!? Just be honest, kahit content lng yan,have some respect kahit man lang sa sarili.” 


“Saint Antonette! Patron ng sugarol."


Samantala, maging ang Asoka challenge entry ni Antonette Gail ay binabatikos rin ng maraming mga netizens dahil may nagawa umano itong cultural appropriation.


Ayon sa ilang netizens, hindi tama ang pagkakasuot ni Antonette Gail ng Indian bridal dress.


Ipinunto ng maraming mga netizens na ang mga Indian ay hindi nagsusuot ng bridal dress na halos lalabas na ang dibdib.


Sa kabilang banda, maging si Whamos Cruz ay nakatanggap rin ng pambabatikos mula sa mga netizens ng magreklamo ang isang videographer na nagsasabing ninakaw ni Whamos ang kanyang mga videos para magamit sa entry nito sa Piliin mo ang Pilipinas.


Kaagad namang nilinaw ni Whamos Cruz na hindi siya ang dapat na sisihin nito kundi ang kanyang editor na siyang gumamit at kumuha ng kanyang videos. Gayunpaman, humingi naman ng pasensya si Whamos Cruz, in behalf umano sa kanyang editor.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo