Vice Ganda Niresbakan Na Si Cristy Fermin, Vice Gumawa Ng Kanta Para Kay Cristy Fermin!

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa natatapos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pambabanat sa kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime inilahad ni Vice Ganda na may gagawin siyang kanta na iaalay niya sa isang tsismosa.


Sinabi ni Vice Ganda na ang magiging title ng kanta ay 'Bwak Bwak Bwak'. Alam naman ng lahat na ilang beses ginamit ni Vice Ganda ang pahayag na ito sa tuwing sinasagot at nagrereact siya sa mga parinig at pambabanat sa kanya ng beteranong columnist na si Cristy Fermin tungkol sa kanya.


“Nakakatawa ‘yung kanta! Humanda ka! May kanta ako! Bwak bwak bwak bwak bwak! Manggigigil ka!” saad ni Vice Ganda na bagama't walang sinabing pangalan ay alam na ng lahat kung sino ang kanyang tinutukoy.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Vice Ganda na noong Holyweek vacation ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sumulat ng isang kanta.


Hindi naman nagbigay ng sample si Vice Ganda sa lyrics at melody ng kanyang ginawang kanta subalit base sa naging pahayag ni Vice tiyak na ikinaiinis ito lalo ni Cristy Fermin.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses nang nagbanatan sina Vice Ganda at Cristy Fermin.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang tweet si Vice Ganda kung saan makikita ang dalawang mga pangit na nilalang na hinuha ng marami na sina Cristy Fermin at kasamahan nito sa kanyang programa na Showbiz Now Na at Cristy Ferminute.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo