Eat Bulaga, May Pambato Sa Its Showtime Ngayong Nasa GMA Na!

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga pahayagan at social media platforms ang napapansin ng maraming mga netizens sa mga hosts ng Eat Bulaga ngayong nalalapit na ang paglipat ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network.


Ayon sa ilang mga netizens, napapansin na umano nila na tila nagiging mainitin ang ulo ng Eat Bulaga host na si Joey De Leon.


Hinala naman ng ilan na baka apektado na ito sa muling pagtatapat nila ng It's Showtime sa mainstream media at triggered na umano ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong malawak na reach ang GMA7 dahil napapanood ito kahit sa ilang liblib ng lugar sa bansa.


Samantala, may mga nagtatanggol naman kay Joey De Leon at sinasabing nag-aadjust pa ang TVJ dahil sila na rin ang producer ngayon ng Eat Bulaga.


Bilang producer ng Eat Bulaga kasama ang TV5 kailangan umanong maging hand on ang TVJ sa show at maging sa finances nito.


Hindi na rin mnaman umano bago sa mga kakasimulang negosyo na kailangan talagang mamuhunan para sa mga pasiunang gastusin habang hindi pa establish ang nasabing negosyo.


Bagama't marami naman commercial load ang Bulaga ay hindi naman umano maitatanggi na malaki ring ang gastusin nito pagdating sa production.


Samantala, may mga naglabasan mga haka-haka ngayon na umano'y nagkaroon ng disagreement sina Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa isyu ng pera.


Mas sanay kasi umano si Joey De Leon tumanggap ng pera kaysa sa magbigay.


Sa kabilang banda, hindi naman umano natatakot ang Eat Bulaga sa paglipat ng It's Showtime dahil mayroon naman umano silang pambato sa katauhan ni Atasha Muhlach.


Isa umano sa malaking asset sa kanilang programa si Atasha Muhlach dahil bukod sa pleasant ay very refreshing umano ang style nito sa paghohost.


Napakaganda rin umano nito at magaling din sa pagsayaw. Ito umano ang ipantatapat nila sa It's Showtime sa paglipat nito sa GMA7.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo