Katotohanan sa Isyung May Hindi Pagkakaunawaan Sina Bossing at Joey De Leon

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nahihirapan umanong mag-adjust si Joey De Leon bilang TV-host at isa sa mga producer ng kanilang show na Eat Bulaga.


Kumakalat ngayon sa ilang mga entertainment news sites ang balitang nakakaranas ng frustrations si Joey De Leon dahil siya ang pinag-hahandle ng mga finances ng TVJ Production na siyang production company ngayon ng Eat Bulaga.


Bukod sa mataas ng expectation para sa Eat Bulaga ngayon nasa TV5 ay nakadagdag pa sa pressure ang kompetisyon sa pagitan ng mga noontime shows ngayong lilipat na sa GMA7 ang It's Showtime na noon pa man ay mahigpit na nilang katapat.


Ayon sa pahayag ng isang kolumnista, tulad ng ibang mga negosyo kailangan talagang mag-shell out muna para sa mga gastusin.


Naging laman din ng mga usap-usapan ang nangyaring dis-agreement umano sa pagitan nina Joey De Leon at Bossing Vic Sotto dahil sa pera.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, hindi umano sanay itong si Joey De Leon na magbigay at maglabas ng datung dahil nasasanay itong tumanggap.


Gayunpaman, hindi naman malinaw kung totoong may hindi pagkakaunawaan sina Joey De Leon at Vic Sotto dahil maayos naman silang tingnan sa Eat Bulaga.


Maging ang kanilang mga tagahanga ay hindi rin naniniwalang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa tagal na rin ng kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong hindi pa nila nabubuo ang Eat Bulaga.


Matatandaang napanalunan ni Joey ang karapatan ng Eat Bulaga title trademark matapos ang ilang buwang legal battle laban sa dati nilang production company na Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.)


Si Joey ang kilalang imbentor ng pamagat ng Eat Bulaga, kaya isa siya sa pinakamahalagang tao sa longest-running noontime show.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo