Vice Ganda Nainis Sa Ginawa Ng Aktres Sa Guesting Sa It's Showtime!

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos ang kanyang guesting sa noontime show na It's Showtime para i-promote ang pelikula nila ng isang Thai-actor.


Pino-promote nina Janella Salvador at Thai-actor na si Wen Metawin ang kanilang pelikulang Under Parallel Skies.


Marami ang nainis sa inasal ng aktres na si Janella Salvador dahil noong natanong na siya patungkol sa kanyang upcoming concert ay humirit ang aktres at pinopromote na rin ito sa mga Madlang Pipol.


Lalo pang tumaas ang kilay ng ilang mga netizens ng pinagsampol ng mga host si Janella sa kanyang panibagong kanta dahil nag-iba ang tugon nito.


Hindi pa man natapos ni Kim ang kanyang pagpapasampol kay Janella Salvador, pinutol na ito ng aktres at sinabing paos siya kaya sila na lamang umano ang kumanta.


Tila hindi naman ito nagustuhan ni Vice Ganda kaya naman ginamit niya itong biro sa isang segment ng kanilang show.


Maging ang ilang mga netizens ay hindi rin nagustuhan ang inasal ni Janella Salvador sa It's Showtime.


Samantala, iginiit naman ng mga tagahanga ni Janella Salvador na hindi naman umano maaring pilitin ang aktres kung talagang wala ito sa kondisyon para kumanta.


Sa kabilang banda, inilabas na ang official music video ng kanta ni Janella Salvador na talaga namang umani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens Hiling din nila na sana ay mabigyan ito ng karapa't-dapat na recognition dahil napakaganda nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo