Kathryn Bernardo, Hindi Naitago Ang Kilig sa Ginawa ni Alden Richards

Miyerkules, Abril 3, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng kilalang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na makaramdam ng kasiyahan at kiligin sa pagsurpresa sa kanya ni Alden Richards sa ikalawang selebrasyon ng kanyang 28th birthday.


Nitong martes April 2, nagkaroon muli ng isang simple at masayang dinner birthday celebration ang aktres na si Kathryn Bernardo na hinanda ng kanyang mga kaibigan bilang surpresa sa kanyang nagdaang kaarawan noong March 26, 2024.


Kumakalat ngayon ang ilang mga video na kuha mula sa nasabing selebrasyon na unang ibinahagi ng kaibigan ni Kathryn Bernardo sa Instagram.


Bukod sa mga video kumakalat rin ang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sweet na sweet sa isa't-isa. Dahil dito, marami ang kinilig dahil na rin sa dala ni Alden Richards na bouquet of flowers at regalo para kay Kathryn.


May mga video pa na tila kinikilig at naghihiyawan ang mga kaibigan ni Kathryn Bernardo sa pagdating ni Alden Richards na tila ba tinutukso silang dalawa.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga nasabing video nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung saan marami ang nakapansin na tila dumadamoves na ang aktor para maging susunod na boyfriend ng dalaga.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nasiyahan kung sakali mang magkahulugan ang dalawa dahil kilala naman umanong mabait ang aktor at nababagay ito kay Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na mas makakabuti umano ngayon kay Kathryn Bernardo ang pagiging single at enjoyin na muna niya ang kanyang single era.


May mga bumabatikos naman kay Alden Richards dahil paasa umano ito at mangagamit kagaya na lamang umano sa ginawa nito noon kay Maine Mendoza na sinakyan lamang umano ng aktor ang kanilang kasikatan at nagiging mabait lamang kapag nakaharap sa kamera.



@philippinestar Actor Alden Richards brought "kilig" to fans after he surprised Kathryn Bernardo with a large flower bouquet on Tuesday. "Kinikilig ako #KathDen," fashion stylist Priscilla Ann "Boop" Yap-Tañedo wrote in her Instagran Story. Bernardo recently turned 28 on March 26, 2024. They worked together in the 2019 romantic film "Hello, Love, Goodbye." (Instagram/Boop Yap) #philippinestar #entertainmentnewsph #celebritynewsph #kathrynbernardo #aldenrichards #kathden ♬ original sound - Philippine STAR

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo