Pamamahiya ni Daniel Padilla ang Dating Nobya na si Kathryn Bernardo

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga naglabasang mga video kung saan makikita ang mga hindi magandang pagtrato ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo noong magkarelasyon pa silang dalawa.


Kumakalat ngayon sa ilang mgg social media platforms ang mga videos kung saan makikita ang pagiging toxic ni Daniel Padilla noong karelasyon pa niya si Kathryn Bernardo.


Nag-umpisang maglabasan ang mga videong ito nang tawagin ng mga fans ng aktor na si Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na malandi at pakawala dahil pinapalibutan na umano nito ang sarili kasama ang iba't-ibang mga lalaki.


Ipinunto pa ng isang basher ni Kathryn Bernardo na hindi nakakaganda ang ginagawa ng aktres na pagpapalibot sa kanyang sarili ng mga lalaki matapos ang break up nila ni Daniel Padilla.


Matatandaan na noong nakaraang March 26, 2024 ipinagdiriwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-28 na kaarawan sa El Nido Palawan sakay sa isang yate.


Nakasama ni Kathryn Bernardo sa nasabing okasyon ang kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz.


Dinaluhan ito ng ilang malalaking bituin sa industriya ng showbiz katulad na lamang nina Alden Richards, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jericho Rosales at iba pa.


Iginagulat pa ng marami na naroon din sa birthday party ni Kathryn Bernardo ang isa sa mga ABS-CBN bosses na si Carlo Katigbak.


Naging masaya naman ang kanilang pagdiriwang at ibinahagi pa ito ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account kung saan inilahad niya na ito ang pinakamasayang birthday celebration niya.


Samantala hindi naman naiwasang may mga naglabasan na mga negatibong komento mula sa mga fans nila ni Daniel Padilla na hindi nagustuhan ang pag-iimbita ni Kathryn Bernardo ng maraming kalalakihan sa kanyang party.


Ayon sa kanila, tila naging malandi na umano ngayon si Kathryn Bernardo magmula ng maghiwalay sila ni Daniel  Padilla.


Kaagad namang dumipensa ang mga solid fans ni Kathryn Bernardo, iginiit nilang walang masamang ginagawa ang aktres at nagsasaya lamang ito matapos ang ilang taong panloloko at betrayal ni Daniel Padilla.


Kasunod nito, kumakalat naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga nakaraang videos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan makikita ang di umano'y pagiging toxic boyfriend ni Daniel kay Kathryn.


Kabilang na rito ang video na kuha mula sa ABS-CBN Ball noong 2017 kung saan tila inambahan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo ng suntok dahil tila nainis ang aktor sa suot ni Kathryn Bernardo.


May mga video pa kung saan makikita ang pagkapikon ni Daniel Padilla sa mga kakulitan ni Kathryn Bernardo na noon ay kinakikiligan pa ng mga fans subalit nag-iba na ng kahulugan ngayong nabuking ang ginagawang panloloko ni Daniel Padilla.


@beautifulpeopleinph Teka nagulat ako 😭 #fyp #kathrynbernardo #danielpadilla #kathnielbreakup #kathnielfan #kathniel #fypシ #foryoupage #foryou #viral ♬ Pipigilin - Shawn DC

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo