Trending! Angel Locsin Magbabalik Ka, Netizen Nagulat Sa Bagong Look

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Angel Locsin sa social media.


Matatandaan na mahigit isang taon din na walang paramdam ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang mga social media account at tanging mga throwback photos lamang nito ang ibinabagi ng kanyang mga tagahanga sa mga fan base social media accounts.


Nito lamang lunes ay ibinahagi ni Angel Locsin ang isang larawan niya na nakasuot ng pantalon at pulang blouse. Hindi naman malinaw kung bagong kuhang larawan ba ang ibinahaging ito ng aktres.


Gayunpaman, ay ikinatuwa pa rin ito ng kanyang mga tagahanga dahil nakikita nilang maayos ang aktres at kahit papaano ay may ibinahagi nang update sa kanyang social media account.


Hangad naman ngayon ng mga tagahanga ni Angel Locsin na sana ay magtuloy tuloy na ang pagbibigay ng mga social media updates ni Angel Locsin para hindi na umano sila mag-aalala sa kalagayan nito.


Matatandaang pinagmulan pa noon ng isyu ang biglaang pananahimik ni Angel Locsin sa kanyang social media accounts. May mga naghinalang naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Niel Arce dahil sa isang babae.


Nagsilabasan pa noon ang mga blind items patungkol sa celebrity couple na umano'y on the rocks na ang pagsasama.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Niel Arce kung saan ipinahayag niyang maayos naman ang pagsasama nila ni Angel Locsin. Gayunpaman, hindi ito nagbigay ng anumang pahayag kung bakit hindi na nagiging active sa social media si Angel Locsin.


May mga naghinala rin na baka may pinagdadaanang isyung pangkalusugan ang aktres kaya naman bigla na lamang itong nanahimik sa kanyang social media accounts.


Samantala, nitong nagdaang October nagbigay ng update ang bestfriend ni Angel Locsin na si Dimples Romana patungkol sa pinagkakaabalahan ngayon ng aktres.


Ayon kay Dimples Romana, ini-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang buhay may asawa at masayang-masaya siya ngayon para sa kanyang kaibigan.


Marami rin ang nagtataka kung bakit wala rin si Angel Locsin sa ABS-CBN Christmas Station ID gayung halos lahat ng mga Kapamilya artist ay makikita naman rito.


Tampok rin dito ang GMA Network na panibagong tahanan ngayon ng It's Showtime. Itinampok rin nila ang TV5 na naging tahanan rin ng iba pang mga Kapamilya shows. Maging ang A2Z ay makikita rin sa ABS-CBN Christmas Station ID 2023 na pinamagatang Pasko Ang Pinakamagandang Kwento.


May mga naglabasang mga haka-haka na baka ay lilipat na sa ibang network ang aktres kaya naman ay hindi na ito nakasama sa Christmas Station ID ngayong taon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo