Kim Chiu May Mensahe Kay Xian Lim sa Gitna ng Isyung Naghiwalay na Sila

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Naging tampulan muli ng panunukso si Kim Chiu tungkol sa usapang ex sa isang episode ng It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime napag-usapan ng mga host ang patungkol sa paghahangad ng tagumpay sa mga taong naging parte ng iyong buhay noon.


Unang pinasagot ni Vice Ganda ang co-host na si Vhong Navarro. Kaagad naman itong sinagot ni Vhong Navarro na kapag successful na umano siya ay gugustuhin rin niya na maging successful na rin ang kanyang ex. Para magkapareho sila.


Tinanong rin ni Vice Ganda ang kanyang co-host na si Karylle na tila ay nakaramdam pa ng awkwardness sa pagtatanong na ito ni Vice patungkol sa kanyang ex.


Ipinahayag naman ni Vice Ganda na mas maganda na hilingin natin ang ikakabuti ng mga taong naging parte ng nakaraan.


Kalaunan ay ibinaling naman ni Vice Ganda kay Kim Chiu ang kanyang tanong, agad namang napareact si Kim Chiu.


Napansin ng ilang mga netizens na napapadalas na ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa mga usapin patungkol sa hiwalayan. Hinala tuloy ng marami na may alam si Vice Ganda sa pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu.


Matatandaan na ilang buwan na ring naging laman ng mga haka-haka at mga bali-balita ang patungkol sa paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa katunayan mas nauna pang pumutok ang isyung ito kaysa sa hiwalayan ng KathNiel na kamakailan lamang ay umaming naghiwalay na sila.


Samantala, patuloy pang tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung wala na ba siyang nararamdamang concern sa kanyang mga ex.


Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu kung saan ipinahayag niyang hihilingin pa rin niya ang lahat ng makakabuti para sa kanyang ex kahit hindi naman birthday nito.


Dagdag pa ni Kim Chiu, na kahit walang okasyon ay hihilingin pa rin niya ang makakabuti rito.


Hindi pa rito natatapos ang panunukso ni Vice Ganda kay Kim Chiu dahil tinanong pa nito kay Kim Chiu kung kailan ang huling pagkakataon na nasabi niya ang mga katagang 'I wish you all the best.'


Natawa naman rito si Kim Chiu at sinabing nasabi niya ang pahayag kani-kanina lamang ng sinabi niya ito kay Vice Ganda sa show.


Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin handa ang actress na si Kim Chiu na aminin ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Xian Lim kahit pa ilang beses na siyang pino-provoke ni Vice Ganda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo