Yassi Pressman, Pina-Tulfo ng Isang Grab Driver

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Nakarating sa tanggapan ng programa ni Sen. Raffy Tulfo sa Raffy Tulfo in Action ang isang Grab Driver na 11 days nang hindi nakakapamasada dahil sa ginawa ng driver ng aktres na si Yassi Pressman.


Dumulog at humingi ng tulong sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ang isang grab driver na si Raymart Quinto nitong December 1, 2023.


Ayon sa pagku-kwento ni Raymart, nabundol ang kanyang minamanehong kotse ng isang SUV sa Bonifacio Global City, Taguig City noong November 21, 2023.


Naka-usap naman niya ang driver ng nakabundol sa kanyang SUV na nagpakilalang si Domer. Sa kanilang pag-uusap napag-alaman niyang driver pala ito ng aktres na si Yassi Pressman.


Ipinagbigay alam naman ni Domer kay Yassi Pressman ang nasabing insedente, nagkataon namang nasa isang coffee shop si Yassi Pressman kaya sinabihan niya ang kanyang driver na puntahan na lamang siya at isama na rin si Raymart.


Para mapag-usapan nila ang nasabing aksidente. Nang makapag-usap sina Raymart, Domer at Yassi Pressman, nangako umano si Yassi Pressman na sasagutin niya ang naging damage sa kotse ni Raymart at ikakaltas na lamang ito sa sahud ng kanyang driver.


Natuwa naman umano si Raymart dahil kaagad na mapapaayos ang kanyang sasakyan na bina-boundaryhan at hindi maapektuhan ang kanyang pamamasada.


Subalit, nang mapa-estimate na umano niya ang total na magagastos para sa repair sa mga damage ng kanyang minamanehong sasakyan ay hindi na umano niya makuntak si Domer. Hindi na umano nito sinasagot ang kanyang mga tawag.


Hanggang sa pagpunta niya sa tanggapan ni Raffy Tulfo ay hindi pa rin niya nakukuntak ang driver. Napaiyak pa si Raymart ng sabihin niya kay Sen. Raffy Tulfo na 11 days na siyang hindi nakakapamasahero dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naayos ang kanyang sasakyan.


Ipinahayag naman ni Sen. Raffy Tulfo na handa niyang tulungan si Raymart at bibigyan umano niya ito ng 25 000 pesos bilang tulong dahil sa mga araw na wala itong kita dala ng pagkakasira ng kanyang sasakyan.


Tinawagan naman ng mga staff ni Raffy Tulfo si Yassi Pressman na kaagad namang sinagot ng aktres. Humingi ng tawad si Yassi Pressman kay Raymart dahil sa abalang dala ng kanyang driver.


Hindi rin naman nagalit ang aktres dahil ipina-Tulfo siya ng grab driver at nagpapasalamat pa siya sa programa dahil nakausap niya si Raymart.


Nangako rin si Yassi Pressman na babayaran niya ang repair para sa sasakyan ni Raymart na umabot sa 49 thousand ayon sa estimation na dala-dala ni Raymart.


Bukod pa rito, sasagutin din umano ni Yassi Pressman ang mga araw na walang kita si Raymart na aabot naman sa 22 thousand pesos dahil kumikita umano si Raymart ng 2 thousand pesos kada araw sa kanyang pamamasahero.


Bilang christmas gift na rin ni Yassi Pressman para kay Raymart ay bubuuhin na umano niya sa one hundred thousand pesos ang ibibigay niya kay Raymart.


Tinupad naman kaagad ni Yassi ang pangako niyang ito sa grab driver, ilang oras makalipas ang kanilang pag-uusap, personal na ibinigay ni Yassi Pressman kay Raymart Quinto ang pera.


Marami naman ang pumuri kay Yassi Pressman dahil sa pagiging generous niya kay Raymart Quinto. Gayunpaman, may ilang mga netizens pa rin ang nagsasabi na kung hindi pa pinaabot ng grab driver sa Raffy Tulfo in Action ang nangyari ay hindi rin ito aaksyunan ni Yassi Pressman.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo