Dahilan Kung Bakit Ayaw Pakasalan Ni Xian Lim Si Kim Chiu

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mgg social media platforms at entertainment news ang patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa isang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, isiniwalat ng talent manager at showbiz insider na hindi umano third party ang dahilan ng paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim kundi ang kawalan ng plano ni Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu.


Samantala, may mga usap-usapan naman na may malalim na dahilan si Xian Lim kung bakit hindi nito pinapakasalan si Kim Chiu kahit na matagal na silang magkarelasyon.


Ayon sa mga kumakalat ngayong usap-usapan, napagod na umano itong si Kim Chiu sa paghihintay ng proposal ni Xian Lim dahil handa na siyang magsettle down dahil nasa tamang edad na ang aktres at financially stable na rin. Tila inakala rin umano ni Kim Chiu na ganundin ang kanyang boyfriend, subalit wala pa sa mga priority ni Xian Lim ngayon ang pagpapakasal.


Bagama't hindi pa naman nila hayagang marami na ngayon ang mga naglabasang resibo na totoong nagwakas na rin ang kanilang relasyon. Naging sunod-sunod ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa kanilang noontime show na It's Showtime na tila pahiwatig nito na may alam siya sa estado ng KimXi.


Lalo pang nakapagpalakas sa hinala ng mga netizens ay ang pagbubura ni Xian Lim sa mga videos sa kanyang YouTube vlog kabilang na ang mga travel vlogs nila noon ni Kim Chiu. Samantalang naroon pa ang mga videos nila sa YouTube channel ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda, may mga nagsilabasan ngayong haka-haka na isa sa mga dahilan ni Xian Lim kung bakit hindi pa ito nagpo-propose kay Kim Chiu dahil ayaw pa niyang magpatali sa aktres. May mga naglabasan pang isyu patungkol sa totoong ugali ni Xian Lim sa totoong buhay, masama umano ang ugali nito at mainitin pa ang ulo, ayaw umano ni Xian Lim na may kokontrol sa kanya kaya naman ayaw na muna niyang magpakasal.


May mga nagsasabi rin na mas priority ni Xian Lim ang pagtulong sa kanyang pamilya kaya naman hindi pa ito nagpapakasal para ang lahat ng kanyang kinikita ay pinapantulong na muna niya sa kanyang mga magulang.


Samantala narito naman ang ilang mga saloobin ng mga netizens sa isyu nina Xian Lim at Kim Chiu.


"That’s not fair to Kim. You’re just playing and fooling around. You should have told this to Kim long time ago. What a waste of time"


"KIMMY HE IS NOT A GENTELMEN DAHIL HINDE SIA TOOTOO PARA SA IO ...just Be Strong Cause you are a good person ans have a good Heart a Lady like you have a good Heart we are here to support you in Prayer and You 

I believe Our Lord Almigthy preparing you the Best Man for your partner"


"Malaking tiwala sa sarili..,porke pogi siya..ang kapongihan ay lilipas rin ...ang mahalaga ay ugali, tapat at hindi taking advantage sa relasyon..may karma iyan bet ko... advantage..makarma iyan pretty soon"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo