Kathryn Bernardo, Dinedma Lang Ang Pag-Iyak Ni Daniel Padilla

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 May panibago na namang update na ibinahagi ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin patungkol sa naghiwalay na couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog na Showbiz Now Na, ipinahayag ni Cristy Fermin ang mainit-init pang balitang na nakarating sa kanya.


Napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang chikang nakarating sa kanya sa kung paano sinuyo ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.


Paulit-ulit umanong sinuyo ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo para muli silang magkabalikan subalit, paulit-ulit din itong tinanggihan ng aktres.


Ayon umano sa mapagkakatiwalaang source ni Cristy Fermin, noon pang September 2023 ay hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Mula noon ay sinusuyo na ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo, ilang beses din umanong umiiyak na nagmamakaawa si Daniel para balikan siya ni Kathryn subalit talagang napagod na ang huli.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na napuno na si Kathryn Bernardo sa mga nalalaman niyang red flag patungkol sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Ipinahayag din ni Cristy Fermin na sa dinami-raming mga nakarating na balita kay Kathryn Bernardo, ang iba ay isinawalang bahala na lamang ng aktres ngunit ang iba naman ay nanatili kay Kathryn Bernardo subalit tinataasan niya ang kanyang pasensya.


Ayon pa kay Cristy Fermin, kahit hiwalay na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay inilihim muna ito ng aktres sa kanyang mga magulang.


Kalaunan, napansin na umano ng ina ng aktres na may mga bumabagabag sa kanyang anak kaya naman wala nang nagawa pa si Kathryn kundi ang aminin na winakasan na niya ang mahigit dekada nilang relasyon ni Daniel Padilla.


Samantala, naniniwala si Cristy Fermin na kaya hindi kaagad ipinaalam ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga magulang ang kanilang paghihiwalay ni Daniel Padilla dahil pasimple pa rin niyang pinuprotektahan ang imahe ng kanyang ex boyfriend.


Matatandaan pa na sa inilabas na official statement ni Kathryn Bernardo, kapansin-pansin na hindi niya pinagsalitaan ng masakit si Daniel Padilla.


Sa ngayon ay nanatiling tahimik ang magkabilang panig nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga isiniwalat ni Cristy Fermin.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo