Kim Chiu Hindi Napigilang Umiyak Sa It'S Showtime

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Viral at usap-usapan ngayon ang naging reaction ni Kim Chiu saa kantang Malaya.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video clip ni Kim Chiu kung saan seryoso niyang pinakikinggan ang kantang Malaya na may lungkot at panghihinayang sa kanyang mukha.


Nakunan rin ng video ang pagtakip ni Kim Chiu sa kanyang mukha na tila pinipigil nito ang luha at pasimpl.eng pinunasan ang kanyang mga mata.


Napansin rin ng mga netizens na ilang araw na umano na tila namumugto ang mga mata ni Kim Chiu na tila ba galing ito sa matinding iyakan. Sadyang magaling lamang na magtago ang aktres dahil hanggang ngayon ay kinakaya pa rin niya ang kaliwa't kanan na trabaho sa kabila ng isyung hiwalayan nila ni Xian Lim.


Kasunod ng pagkalat sa mga nasabing video, bumuhos naman ang mga mensahe ng pasasalamat mula sa mga fans ni Kim na malaki ang paniniwala na nagtapos na ang matagal ring relasyon nila ni Xian Lim.


Matatandaan na ilang buwan na rin ng maisyung naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim. Nag-umpisang kumalat ang mga balitang ito nang  hindi na nakikitang magkasama sina Kim at Xian.


Hindi na rin nagri-react si Xian Lim sa mga social media post ni Kim Chiu na lagi naman nitong ginagawa noon.


Marami rin ang nakapansin na hindi na nagkakasama sina Kim at Xian sa mga pagbabakasyon na noon naman ay ngkakasama sila.


Sa ngayon ay nananatiling umiiwas sina Kim Chiu at Xian Lim hinggil sa nasabing isyu. Hindi naman nila kinumpirma kung totoo nga bang winakasan na rin nila ang kanilang mahabang relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo