Vice Ganda Nanggigil Sa Galit, Nadamay Sa Isyu Ni Andrea Brillantes

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Tila napantig ang tenga ng Unkabogable Star sa isang tweet ng netizen patungkol sa kanyang ina na umano'y umaasa lamang sa kanya.


Hindi matanggap at kaagad na sinagot ni Vice Ganda ang isang tweet ng netizen kung saan pinahayag niyang mali ang paniniwala nito na umaasa lamang sa kanya kita ang kanyang ina.


Tila nadamay lang naman si Vice Ganda sa naganap na pagdedebati sa pagitan ng mga tagahanga ni Andrea Brillantes at mga bashers nito patungkol sa kung tama ba ang ina ng actress sa pagpi-flex sa mga nagawa ni Andrea Brillantes sa pagiging breadwinner nito sa kanilang pamilya.


Matatandaan na ipinagtanggol ni Belle Brillantes, ina ni Andrea Brillantes, ang kanyang anak laban sa mga bashers nito, kung saan ipinunto nito kung ano ang naging ambag ni Andrea Brillantes sa kanilang buhay.


May isang fan naman na sumagot sa ina ni Andrea Brillantes, kung saan ipinunto nito na kung ganito ang paniniwala ng ina ni Andrea Brillantes ay isama na rin niya ang mga ina ng iba pang mga artista na umaasa lamang sa kanilang mga anak.


Kagaya na lamang umano sa ina ni Vice Ganda, Francine Diaz, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo at ng iba pang mga artista na naging breadwinner din sa kani-kanilang mga pamilya.


Kaagad naman itong sinagot ni Vice Ganda kung saan ipinahayag niyang never na umasa sa kanyang pinaghirapan ang kanyang ina. Ipinahayag din ni Vice Ganda na nagtrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina para lamang itaguyod ang kanilang pangangailangan.


Dagdag pa ni Vice Ganda na may ipon naman ang kanyang ina bago ito tumigil sa pangingibang bansa. Hiniling din ni Vice Ganda na huwag nang idamay pa ng mga bashers ang kanyang ina sa pakikipagbardagulan nito sa mag-inang Brillantes.


Sinigundahan naman ito ng iba pang mga netizens na alam din umano ang pagiging OFW ng ina ni Vice Ganda sa loob ng maraming taon.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo