Sarah Lahbati Ibinenta Ang Jeep Nila Ni Richard Gutierrez

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Bukod sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, naging laman rin ng mga usap-usapan ngayon ng mga marites sa social media ang hiwalayan rin ng mag-asawang celebrities na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Ilang linggo na ring napag-uusapan na naghiwalay na rin sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila magkakasama sa pagsi-celebrate ng mga okasyon na dati naman nilang pinagdidiriwang na magkasama.


Maging sa mga travel ni Sarah Lahbati kamakailan ay hindi na rin niya kasama si Richard Gutierrez. Lalo pang nakadagdag sa hinala ng mga netizens na totoong naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay ang naging pahayag ni Annabelle Rama patungkol sa totoong ugali ni Sarah Lahbati.


Matatandaang sa isang panayam ay hayagang sinabi ni Annabelle Rama na nagwawaldas ng pera si Sarah Lahbati habang busy sa pagtatrabaho ang kanyang anak na si Richard Gutierrez. Gusto umano ni Sarah Lahbati na palagi silang magtatravel ni Richard Gutierrez.


Ipinahayag din ni Annabelle Rama sa nasabing panayam na mag-isang buwan nang sa kanya umuuwi si Richad Gutierrez. Sa isang social media post, tinawag rin ng batikang aktres at talent manager si Sarah Lahbati na isang devil woman, manipulative at napakasinungaling.


Samantala, naghatid naman ng panibagong ingay ngayon sa social media ang pagbabahagi ni Sarah Lahbati na ibinibenta na niya ang kanyang Wrangler Jeep na iniregalo pa noon ni Richard Gutierrez.


Ayon sa mga kumakalat na bali-balita ibinibenta na umano ito ni Sarah Lahbati para maging pera at magamit niya. Bukod pa rito, ayaw na umano ni Sarah Lahbati sa mga bagay na magpapaalala sa kanya kay Richard Gutierrez.


Dagdag pa sa mga nasabing chika, hindi naman umano pinagsisihan ni Sarah Lahbati na bitawan ang isa sa mga magpapaalala sa kanya kay Richard Gutierrez dahil nagtapos na rin naman ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito dahil hindi pa rin naglalabas ng anumang detalye ang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo