Abs-Cbn May Bagong Ipapalit Sa KathNiel

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely

Sa tuluyang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan matapos ang 11 years nilang relasyon, usap-usapan din ngayon sa sociamedia na maging ang kanilang tambalan ay magtatapos na rin.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napaka-effective ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nakakakuha ng malalaking ratings ang mga pelikula at teleserye na kanilang pinagbibidahan.


Sa kabilang banda, tila naghahanda naman umano ang ABS-CBN sakaling hindi na magsasama pang muli ang KathNiel, ayon sa mga kumakalat ngayon na mga usap-usapan, tinitingnan na ang papalit sa pwesto ng KathNiel sa ABS-CBN bilang sikat na loveteam ay ang tambalan nina KD Estrasa at Alexa Ilacad.


Sa kamakailang episode ng Marites University nitong December 12, 2023, isiniwalat ni Ambet Nabus ang napag-usapan sa isang presscon kasama ang batikang direktor na si Cathy Garcia Sampana.


Naitanong umano kay Direk Cathy bilang ina-inahan ng tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad kung ano ang totoong kaugalian ng mga ito sa set dahil ang mga bali-balita ay mababait naman umano ang mga ito.


Ayon naman umano kay Cathy Garcia na noon pa man ay magaling nang artista si Alexa Ilacad, samantalang nakikita rin niya ang natatanging galing ni KD Estrada na hindi na umano siya magtataka kung one of this days ay aarangkada din ang mga ito bilang sikat na tandem.


Samantala, may mga usap-usapan pa ngayon na may isang proyekto umano na nakatakdang ibigay sa KathNiel subalit dahil sa paghihiwalay ng dalawa ay maaaring kina KD Estrada at Alexa Ilacad na lamang ibibigay.


May mga nagsasabi naman na hindi malabo na sisikat din ang dalawang ito dahil mayroon na sila fan base, bukod pa rito hinirang din sila bilang Asia's Most Promising Loveteam noong 2022.


Gayunpaman, marami sa mga fans ng KathNiel ang hindi sumang-ayon sa balitang ito dahil naniniwala sila na mahirap pantayan ang mga achievements ng KathNiel kahit pa naghiwalay na ang mga ito.


Pinatunayan naman ng KathNiel ang kanilang professionalism dahil muli silang nagsama para sa ABS-CBN Christmas Special 2023 at ipinakita na kaya pa rin nilang maging civil sa isa't-isa kahit pa kamakailang lamang ay inamin nila ang pagtatapos ng kanilang relasyon.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo