Mga Bigating at Kaabang-Abang Na Mga Proyekto Ng ABS-CBN Sa 2024

Huwebes, Disyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Inilabas na ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic ang listahan ng mga aabangang proyekto at events para sa taong 2024.


Nangangako ang Star Magic na maglalabas sila ng mga kaabang-abang na mga programa at star-studded event para sa susunod na taong 2024. Inanunsyo ng Star Magic sa kamakailang Star Magical Christmas 2023 ang mga paparating na kaganapan nila sa para sa taong 2024.


Una sa listahan ang the most fairytale of the year, ang Star Magical Prom. Magiging mas hot rin ang summer ngayong 2024 dahil sa pagbabalik ng Star Magic Hot Summer sa ikalawa nitong taon.


Magbabalik din ang inaabangang celebrity sports fest kasama ang 2024 All Star Games. Sa kauna-unahang pagkakataon magkakaroon din ng Star Magic Dance Festival at Star Magic Singing Fetival.


Magsasama-sama rin ang mga pinakamahuhusay na artista at mang-aawit sa Star Magic para ipagdiwang ang mga nangungunang composers ng bansa sa Star Magic Maestro Concert Series.


Inihayag rin ng Star Magic na hindi makukumpleto ang taon kung hindi nila ipagdiriwang Star Magical Christmas Ball 2024.


Bukod rito, inanunsyo rin ng Star Magic ang gagawing palabas ng kanilang mga big stars. Magbabalik na ang biggest reality talent searc ng bansa ang Pinoy Big Brother sa pinakabagong season nito.


Dapat na ring maghanda ang mga aspiring teen singers ngayong 2024 dahil magbabalik na ang The Voice Teens. Mapapanood na rin sa primetime TV ang pinag-uusapan at pinanggigigilang digital series na Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM De Guzman.


Magsasama rin sa kauna-unahang pagkakataon sina award winning actress Judy Ann Santos, John Arcilla at Arjo Atayde sa spin off series na The Bagman.


Mapapanood na rin sa darating na taon ang local adaptation ng hit South-Korean romantic comedy drama na What's Wrong With Secretary Kim, na muling pagtatambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino. 


Magbabalik teleserye na rin ang nag-iisang Anne Curtis kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino para sa local adaptation ng hit South Korean drama na It's Okay Not To Be Okay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo