Direk Cathy, Nagsalita Na Hinggil Sa Hiwalayan Isyu Nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi  pa rin natatahimik ang isyu ng hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, lalo pa itong uminit nang napansin ng mga netizens na maging si Direk Cathy Garcia ay in-unfollow na rin si Daniel Padilla.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang biglaang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kapwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.


Ito'y kasunod ng mga usap-usapan na umano'y si Andrea Brillantes ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla dahil palihim na nagkikita ang dalawa.


Sa kasunod na araw si Andrea Brillantes naman ang nag-unfollow kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na para sa ilang mga netizens kumpirmasyon na umano na totoong may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang tatlo.


Samantala, muling napansin ng mga netizens na in-unfollow naman ngayon ni Direk Cathy Garcia si Daniel Padilla. Dahil dito, marami ang naghinalang may hindi magandang nangyayari sa pagitan ng KathNiel na patuloy lamang nilang nililihim sa kanilang mga fans.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga KathNiel fans at ng mga netizens na hindi lamang basta direktor ang relasyon ni Direk Cathy sa magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa katunayan, noong ikinasal si Direk Cathy Garcia ay inimbitahan niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Samantala, dahil sa pag-unfollow ni Direk Cathy Garcia kay Daniel Padilla, lalong lumakas ang mga usap-usapan at mga espekulasyon na naghiwalay na ang dalawa.


Nauna nang naiulat ang balitang hindi na maayos ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa pagkakaroon ng ibang babae ng aktor sa katauhan naman ni Andrea Brillantes.


Dahil si Daniel Padilla lamang ang in-unfollow ni Direk Cathy Garcia, hinala ng maraming netizens na totoong may kasalanan si Daniel Padilla sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo.


Sa kabila ng mga resibong ito na tila nagpapatunay sa hiwalayan ng KathNiel, naniniwala pa rin ang mga tagahanga ng celebrity couple na hindi magagawa ni Daniel Padilla na lokohin ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Hindi rin umano magagawa ni Daniel Padilla na pumatol sa ibang babae habang sila pa ng kanyang girlfriend.


Samantala narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa pag-unfollow ni Direk Cathy Molina kay Daniel Padilla.


"Basta ako Kathryn pa rin Kahit wlang Dj okay lang sikat na sikat nga si Kathryn sa International all over the world maraming may gusto sa kanya lalo na ang mga foreigners kasi ibang iba ang beauty Nya ASIAN BEAUTY talaga. Your my Princess Kathryn sana marami ka pang INTERNATIONAL MOVIES DTO LANG KAMI TO SUPPORT YOU. MARAMING NAGMAMAHAL SA IYO KEEP UP."


"Direk Cathy  your film is one that can wake Daniel from what needs to be fulfilled"


"Delulu ibang fans pls don’t defend cheating proof na na yung mga true friends ni Kath i unfollow si Andrea proof na na hnd nila inaaddress yung matter   Khit ngaun na malaki na it’s because it’s true kaya hnd nila madefend kaya quiet nlng sila.


"I feel bad for the wasted years but I’m happy na nadiscover ni Kath before they get married means that it’s a blessing in disguise, a way of God showing her she deserves better she doesn’t need a man to stand by her she can make a blockbuster on her own now for DJ Panindigan mo yan! For Andrea nman have you ever listen to Karma by Taylor Swift?"


"Kath don't fight that love he can't deserve it if he leave you now its ok move on in the future carma coming both them your the one best of them your not poor of love in the future one man come to you its better than him now God help Amen"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo