Andrea Brillantes, Ibinahagi Ang Mga Katangian Na Hinahanap Niya Sa Isang Lalaki

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


Sa gitna ng mainit na isyung kinakaharap ngayon ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes, kung saan itinuturo siya bilang third party sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ibinahagi ng aktres ang katangian na gusto niya sa isang lalaki.


Sa kamakailang vlog ni Luis Manzano, ininterview niya ang isa sa mga controversial young Kapamilya Star na si Andrea Brillantes.


Kaagad namang nagtrending at naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga pahayag na binitiwan ng aktres sa nasabing panayam.


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang young actress na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakadawit niya sa isyu ng hiwalayan umano nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Bagama't nananatiling tahimik ang tatlo hinggil sa nasabing isyu, kamakailan ay nagviral ang biglaang pag-unfollow nina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes sa isa't-isa.


Inaasahan ng maraming netizens na may ilalabas na impormasyon si Andrea Brillantes patungkol sa isyung kinakaharap sa kanyang pagiging guest sa Youtube vlog ni Luis Manzano. Subalit, nananatiling tikom ang bibig ng aktres.


Gayunpaman, naging laman ng mga usap-usapan ang pagbabahagi ni Andrea Brillantes sa mga katangian ng lalaking hinahanap niya ngayon.


Ayon kay Andrea Brillantes, nangunguna sa mga katangian ng lalaking gusto niya ay ang pagiging faithful. Ipinaliwanag pa niya ang kaibahan ng pagiging faithful at loyal.


Ang pagiging faithful, kahit anong ganda ng babaeng makikita nito ay hinding-hindi ito maa-attract. Samantalang ang loyal naman ay naa-attract umano sa ibang mga babaeng magaganda, subalit at the end of the day, iisa lamang umano ang mahal nito.


“Iba kasi ang loyal sa faithful. Ang loyal kahit may dumaan na chix, titingin yan pero dun pa rin siya sa taong mahal niya.


“Ang faithful kahit may chix dyan, hindi. Titingin lang ako sa asawa ko sa love of my life. Ganun ang faithful.”


Alam naman umano ni Andrea Brillantes na sa panahon ngayon ay mahirap nang makahanap ng lalaking faithful kaya naman, kontento na umano siya kung makahanap siya ng lalaking loyal.


Idinagdag na din ni Andrea Brillantes ang mga katangiang, maalaga, gentleman, marespeto at totoong lalaki. Iginiit pa ni Andrea Brillantes na ayaw niya ngayon sa 'boy' dahil mas gusto na niya ang isang 'real man'.


“A real man, I believe they know how to settle. Alam nila kung paano makontento sa isa. At isa lang talaga gussto ko ng one-woman man. Ang totoong lalaki for me, hindi yan nagsisinungaling talaga. Alam niya kung paano aminin yung katotohanan nang buong-buo.”


Dagdag pa ng aktres, “Kumbaga, I don’t want a boy, I want a man. That’s what I need.”


Sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andrea Brillantes nagpapasalamat pa rin siya dahil may natatanggap pa rin umano siyang blessings.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo