Daniel Padilla Nangako Na Aayusin Ang Relasyon Nila Ni Kathryn Bernardo

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Binasag ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang katahimikan hinggil sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Lalong lumalakas ang mga bulong-bulungan ngayon patungkol sa totoong estado ng relasyon nila ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo matapos nitong i-unfollow si Andrea Brillantes at ang pag-unfollow naman ni Andrea sa kanilang dalawa.


Samantala, tila hindi na nakapagtimpi ang ilang mga solid KathNiel fans at hayagan nang tinanong si Daniel Padilla kung ano ang nangyayari sa relasyon nila ni Kathryn.


Kaagad naman itong sinagot ng aktor kung saan ipinahayag niya na walang dapat na ipag-aalala ang kanilang mga fans dahil siya na niya umano ang bahala sa lahat para sa relasyon nila ngayon ni Kathryn.


“Relax na kayo aming mga KathNiels tama na ang pag-aalala. Breathe.. Ako na ang bahala sa lahat.”


Dagdag pa ni Daniel Padilla, “Mahal namin kayo sagad.”


Samantala, makikita naman na naka-follow sa nasabing Instagram account ng fans sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kaya naman masasabing legit at maasahan ang nasabing account.


Sa kabilang banda, hindi na makikita ngayon ang conversation na ito nina Daniel Padilla, dahil hiniling ng aktor na burahin na ito.


Dahil naman sa nasabing post, nagkaroon ng pagasa ang ilang mga KathNiel fans na maayos pa ng dalawa ang kanilang relasyon.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang aktres na si Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing isyu. Tila dinidedma na lamang ng aktres ang mga isyung ibinabato sa kanila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo