Jinkee Pacquiao Nagbigay Ng Pahayag Sa Anak Ni Manny Sa Labas

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang maybahay ni Manny Pacquiao hinggil sa pagkakaroon ng illigitimate son na na kamakailan lamang ay nakikilala bilang si Emmanuel na isa na ring professional boxer kagaya ng amang si Manny.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Ogie Diaz ang sinabi sa kanya ng common friend nila ni Jinkee patungkol sa reaksyon umano nito sa anak sa labas ni Manny na pumasok na rin sa mundo ng boxing.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, hinimok umano ni Jinkee si Manny Pacquiao na suportahan ang anak nito kay Joanna Rose Bacosa.


“Nakakatuwa si Jinkee, dahil according to my source na kaibigan ni Jinkee, common friend namin ni Jinkee, sinabi daw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na ‘go ahead, suportahan mo ’yan kasi anak mo ‘yan,'” pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


Matatandaang nagsimula ang tsismis tungkol sa illegitimate child ni Manny noong 2006 nang magsampa ng kaso si Joanna laban kay Pacquiao.


Sa counter-affidavit na inihain ni Manny, inamin niyang suportado niya sina Joanna at Eman, kaya hindi siya makapaniwalang sinampahan siya ng kaso.


Matapos ang 17 years, muling lumitaw si Eman sa social media pagkatapos niyang gawin ang kanyang propesyonal na boxing debut sa ilalim ng promotion ni Manny.


Ang unang laban ni Eman ay nagresulta sa isang draw, subalit umaasa ang mga boxing fans na namana ng  5'10 profesional boxer ang mga talento ng kanyang ama.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo