James Reid, Open to Work with Nadine? Nagsalita Na Tungkol Sa Viral Photo Nila Nadine Sa Gucci!

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor at talent manager na si James Reid patungkol sa kumakalat na larawan nila ni Nadine Lustre sa isang event ng Gucci.


Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang tila matching outfit ng dalawa na siyang pinagmulan ng samu't-saring haka-haka mula sa mga netizens.


May mga nagsasabing tila magkakaroon umano ng proyekto ang dalawa na magkasama sa pagkakaroon nila ng matching outfits.


Samantala, sa isang panayam kay James Reid nilinaw niya ang dahilan kung bakit tila magka-match ang mga outfits nila noon ni Nadine.


Ayon kay James Reid, hindi umano niya alam at hindi niya napansin na magkamatch ang mga suot nila ni Nadine. Nilinaw din niya na hindi siya ang pumili ng damit na susuotin kundi ang international Gucci Team.


Tila napagtripan ng mga ito ang outfits nila ni Nadine kaya ganoon ang kinalabasan.


Nagulat lamang din umano siya sa kinalabasan ng mga outfits nila ni Nadine. Gayunpaman sa kabila ng lahat nag-enjoy parin siya sa Gucci event.


 "Yes, I saw that! Actually, Issa's the one that showed it to me She was like, 'Oh my god, your outfits are matching.'"


"But yeah, the clothes, they were picked out by the international Gucci team. And it just turns out that, you know, the outfits matched and we looked great," dagdag pa ni James Reid.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo