Paolo Contis Isiniwalat Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Siya Nagbibigay Ng Sustento Sa Kanyang Mga Anak

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na pahayag ang aktor na si Paolo Contis patungkol sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Matatandaang sa naging panayam noon ni Boy Abunda kay Paolo Contis, diretsahan niyang inamin na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kay Lian Paz at maging sa anak nila ni LJ Reyes.


"Doon sa sustento issue, I don't give, I have my reasons why, bu I'm saving for them," pagpapahayag noon ni Paolo Contis.


Dahil dito, tumanggap ng samu't-saring pambabatikos si Paolo Contis kung saan tinatawag siyang iresponsableng ama. Lalo pa noong ibinahagi ni Lian Paz ang kanyang paghihirap noon para makapag-provide sa pangangailangan ng mga anak nila ni Paolo Contis.


Samantala, tila naniniwala naman si Paolo Contis na darating din ang panahon na mapapatawad siya ng kanyang mga anak lalo na sa mga anak nila ni Lian Paz.


May mga savings na rin naman siya para sa mga ito na ibibigay niya sa iisang bagsakan lamang. Ayaw na rin umano niyang isiwalat ang dahilan kung bakit hindi siya nagbibigay ng sustento noon pa man sa kanyang mga anak dahil ayaw na rin niyang lumaki pa ang isyu.


Sa ngayon ay aminado si Paolo Contis na hindi magiging madali para sa kanya na mapalapit muli sa kanyang mga anak dahil matagal na niyang hindi nakakasama ang mga ito lalo na sina Xonia at Xalene.


Sa kabilang banda, isiniwalat na noon ni LJ Reyes ang kagustuhan ng kanyang mga anak na palitan na ang kanilang apilyedo at hindi na gamitin pa ang apilyedo ng kanilang ama.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo