Aktwal Na Pag-Walk Out Ni Julia Barretto Sa Issue Ng Batian Nina Maja Salvador at Gerald Anderson!

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nag-walk out sa isang interview ang aktres na si Julia Barretto matapos siyang tanungin patungkol sa kumakalat na video ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson at ng ex-girlfriend ng aktor na si Maja Salvador.


Makikita sa isang video ang pag-walk out ni Julia Barretto nang maitanong sa kanya ng isang reporter kung ano ang reaksyon niya sa pag-beso ni Gerald Anderson kay Maja Salvador.


“Oh, my goodness madam, I don’t have time for this bye,” saad ni Julia kasabay ng pagtalikod niya sa reporter.


Matatandaang nag-viral sa social media sina Gerald at Maja matapos batiin ng aktor ang dating kasintahan sa sideline ng isa sa FIBA ​​Basketball World Cup 2023.


Tila hindi naman ito naging isyu sa dalawa dahil naroon din naman ang asawa ni Maja Salvador na si Rambo Nunez.


Sina Maja Salvador at Gerald Anderson ay nagkarelasyon noong 2013. Naghiwalay naman sila noong 2015.


Sa mga naunang interview kay Maja Salvador, ipinahayag niyang ang naging relasyon nila noon ni Gerald ay isa sa kanyang mga pagkakamali.


Inamin pa noon ng aktres na apektado rin ang kanyang career sa pakikipagrelasyon niya kay Gerald Anderson dahil siya ang tumanggap ng pambabatikos mula sa mga fans ni Kim Chiu na inaakusahan siyang third party at mang-aagaw ng boyfriend.


“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa pero siguro yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh!”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo