Cristy Fermin Ni-Realtalk si Sharon Cuneta Patungkol Sa Pagpapalaki Ng Mga Anak

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely

 



Muling Kinomentuhan ng veteran showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa mga online post sa social media ni Megastar na si Sharon Cuneta patungkol sa kanyang mga anak na sina Kakie at Miel Pangilinan.


Ayon kay Cristy, hindi dapat kalimutan ng isang ina kung paano balansehin ang ilang bagay sa buhay, lalo na kapag kasama ang mga anak sa usapan.


"Binabalanse dapat talaga eh. Alam naman natin kung sumosobra na tayo at kinukulang. Alam naman natin yan, diba? Talagang sa atin dapat magmula lalo na kung anak na ang mga involved." 


Sa kalagitnaan ng talakayan nila ni Romel Chika, nagtaka si Cristy kung bakit kailangang purihin ni Sharon Cuneta ng todo ang dalawang anak nila ni Kiko Pangilinan, samantalang hindi naman umano ganoon si Sharon kay KC Concepcion na anak rin naman niya.


"Eh Si Sharon naman ay matalino. Ba't naman kasi kung minsan dumarating siya sa punto na kinakailangan niyang iparamdam sa isang anak niya, o sa dalawang anak niya ang sobra sobra niyang pagmamahal at dedma sa iba diba?" 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo