Jerome Ponce Isiniwalat Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Sachzna! Third Party

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Nakapanayam ng ABS-CBN News ang aktor na si Jerome Ponce tungkol sa kontrobersyal na breakup nila ng actress-influencer na si Sachzna Laparan. Ayon kay Jerome, happy siya months after the split as he is focusing more on being a better person.


”Sa state of my emotions, I'm still happy, more focused, at mas iniisip ko yung mga bagay na ukol sa akin bilang isang tao, isang human being, isang mamamayan," saad ni Jerome Ponce.


Nilinaw din niya ang kumakalat na larawan patungkol sa diumano'y pagiging cheater niya kaya nagtapos ang relasyon nila ni Sachzna.


"Sa work ko, maraming nagpapa picture. And yung kumalat na picture, nagpapa picture lang sya e. That was the birthday of my cousin. Well, i check nyo ngayon sino ba yung single.


"Naiintindihan ko yung tao why they judged me before, siguro may mga nagawa ako at naging ganun ang image ko." 


Samantala, nilinaw rin ni Jerome Ponce ang totoong dahilan at side niya sa nangyaring hiwalayan nila noon ni Sachzna. Iginiit ng aktor na walang third party at lokohan na naganap, bagkus ginusto lamang niya na magkaroon ng personal space upang makapagfocus sa sarili.


"It's really about space... All I want is to be happy and be focused." 


Ipinunto rin ni Jerome Ponce na masaya siya ngayon sa kanyang estado at sinabing wala siyang balak na pumasok sa isang relasyon sa loob ng two years mula ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo