Barbie Forteza, Sinabing Hindi Niya Kayang Pantayan Si Sharon Cuneta Sa Maging Sino Ka Man

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


Aminado ang aktres na si Barbie Forteza na talagang hindi niya mapapantayan ang angking galing sa pag-arte ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.


Hindi umano talaga niya mapapantayan ang galing ni Sharon Cuneta sa pagganap nito sa pelikulang Maging Sino Ka Man na ginawan nila ng TV Adaptation ni David Licauco.


Sa kamakailang panayam ni Barbie Forteza, isiniwalat niya na iba ang kanyang technique sa pagdadala ng papel ni Monique sa nasabing adaptation.


"Hindi naman po siya conscious effort na ibahin, kasi definitely iba po talaga yung magagawa ko dahil wala naman po talagang makakapantay sa ating Megastar," saad ni Barbie Forteza.


Aminado rin si Barbie na nakakaramdam siya ng pressure sa papel na ginampanan dahil baka makikita parin sa kanya si Klay, ang papel na ginampanan niya sa Maria Clara at Ibarra.


Iginiit din ni Barbie Forteza na hindi maaring ikumpara ang kanyang pagdala sa karakter na dating ginampanan ni Sharon Cuneta dahil mas hamak naman umano na mas magaling sa kanyang umarte si Sharon Cuneta.


Naisiwalat din ni Barbie na talagang pinanood niya ang 1991 movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na Maging Sino Ka Man bilang paghahanda sa kanyang role.


"Sobrang nakakatawa sina Mr. Dennis Padilla, si Sen. Robin tapos iba po talaga yung presence ng ating Megastar doon sa pelikula." 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo