Billy Crawford at Coleen Garcia, May Hinanakit Nga Ba Sa Dating Mga Katrabaho Sa ‘It’S Showtime'?

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia may isiniwalat sa panayam nila kay Boy Abunda patungkol sa kanilang dating mga kasamahan sa It's Showtime sa gitna ng pagkakasuspinde ngayon ng nasabing show.


Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang mga isiniwalat nina Coleen Garcia at Billy Crawford sa Fast Talk With Boy Abunda kung saan tila naglabas sila ng hinaing laban sa dating kasamahan nila sa It's Showtime.


Sina Billy Crawford at Coleen Garcia ay naging kabilang din noon show na It's Showtime subalit umalis sila rito upang mapagtuunan nila ng pansin ang pagpapakasal at pagsisimula ng isang pamilya.


Sa gitna ng kinakaharap ngayon na isyu ng It's Showtime kaugnay ng inilabas na 12 days suspension order ng MTRCB, naglabas naman ng mga hinaing ang mag-asawa laban sa mga dating kasamahan nila sa nasabing show.


Ayon kina Billy Crawford at Coleen Garcia, tila nagbago umano ang lahat sa kanilang pag-alis sa show dahil hindi na katulad pa ng dati ang kanilang samahan ng dating mga co-host ng It's Showtime.


Bagama't nananatili pa rin umano ang kanilang komunikasyon, hindi na ito kasing dalas ng dati at tila nagbago na rin umano ang kanilang closeness.


"We hardly actually have time to communicate with every single person we know. It’s hard enough with our own family so the relationship has changed, to be honest with you, Tito Boy. It's not like how it used to be.”


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging usapin noong paglipat ni Billy sa katapat na show ng It's Showtime ay nag-unfollow sila ni Vice Ganda sa isa't-isa.


Tila nagkapalitan din sila ng pasaring sa isa't-isa, bagaman hindi nila ito kinumpirma sa publiko.


Samantala, para kay Coleen ang naging dahilan kung bakit hindi na sila kasing close ng dati ng kanilang mga ka-It's Showtime Family ay dahil sa kanilang pag-alis sa show at hindi na sila nagkakasama pa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo