Kapalit Ng Showtime?! Abangan Ang Bagong Magpapasaya Sa Noontime!

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely





Tila mapapalitan muna ang It's Showtime sa tanghali matapos ang natanggap nilang suspension order mula sa MTRCB nitong September 4, 2023.


Sa isang Instagram stories na ibinahagi ng Direktor ng It's Showtime, isiniwalat niya na pansamantalang papalitan ang It's Showtime ng ibang show na magpapasaya sa mga madlang pipol sa loob ng 12 days.


Ito'y sa kabila ng pag-aapela nila sa MTRCB at paghahain ng motion for reconsideration.


Matatandaan na noong 2010, pansamantala ring pinalitan nang 'Magpasikat' ang It's Showtime nang masuspende ito ng 20 days.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang MTRCB hinggil sa mga pambabatikos at akusasyon laban kay Lala Sotto. Marami sa mga madlang pipol ang nagsasabing hindi patas ang ginawa ng MTRCB sa It's Showtime at pakana umano itong lahat ni Lala Sotto upang makakuha ng advantage ang show ng ama na E.A.T.


Nilinaw ng MTRCB na walang kinalaman si Lala Sotto sa pagdedesisyon sa parusa na ipapataw sa mga show na lumabag sa kanilang mga patakaran.


May adjudication body umano ang kanilang ahensya na binubuo ng maraming board members na siyang magpapasya sa karampatang parusa para sa mga pasaway na shows.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo