Angelica Panganiban Pagod Na Pagod Na! Gusto Nang Sumuko!

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Nito lamang nagdaang buwan ng agosto, ipinagdiriwang ang Breastfeeding Awareness Month kung saan nagbigay ng mensahe si Angelica patungkol sa pagiging isang breastfeeding mother niya.


"Nagmamahal, inang may paltos. Inang puyat, inang hawak ng anak ang oras. Pero inang masaya at kilig na kilig sa tuwang hinahanap ng anak."


Sa kabila nito, aminado ang aktres at first time mom na si Angelica Panganiban na muntik na siyang sumuko sa pagbi-breastfeeding.


Sa kanyang kamakailang social media post, ibinahagi niya ang kanyang struggle bilang first time mommy at wala pang alam sa ilang mga bagay-bagay.


"Kapag may nagtatanong sakin ano ang pinaka mahirap na stage ng motherhood, mabilis kong nasasagot. BREASTFEEDING," pahayag ni Angelica.


Gayunpaman, masasabi rin naman umano niya na ito ang pinaka-fulfilling sa lahat. Aminado rin umano siya na ilang beses niya itong muntik na sukuan. Subalit, sa tuwing iniisip niya ang ibang inang kinakaya ang lahat ay tila lumalakas umano siya at nakakakuha ng inspirasyon.


"After a week of breastfeeding, muntik na ko sumuko. Iniisip ko na lang, kung kaya ng iba, kaya ko rin. Kaya naman salamat sa lahat ng ina na naging inspirasyon ko at Lifeline ko. Sa mga panahon na duguan at puyat na puyat na ko."


Agad namang bumuhos ang mga mensahe mula sa mga kapwa mommy na nakakarelate sa mga struggles ni Angelica Panganiban sa pagiging isang breastfeeding mom.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo