It'S Showtime Parang Kriminal Na Labas-Masok Sa Kulungan Ayon Kay Ben Tulfo

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Inihalintulad ng Mamamahayag na si Ben Tulfo ang It's Showtime sa isang recidivist ang It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng programa ni Ben Tulfo na Bitag, tinalakay niya ang pagkakasuspinde ng It's Showtime dahil sa ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda na pagkain ng cake icing.


Ayon kay Ben Tulfo, maihahalintulad sa isang recidivist o kriminal na labas pasok sa kulungan ang It's Showtime dahil sa paulit-ulit na violations nito sa MTRCB.


Nagbigay din siya ng mensahe sa mga bumabatikos sa MTRCB dahil sa paglalabas nila ng suspension order sa It's Showtime dahil naniniwalang walang nilabag ang nasabing show.


Ayon pa kay Ben Tulfo, isang serial violator ang It's Showtime dahil tila hindi umano nito nirerespeto ang mga patakaran ng MTRCB.


Ipinunto pa ni Ben Tulfo na ilang beses na nagbigay ng warning ang MTRCB at ilang beses din itong tila binalewala lamang ng show.


Hindi rin nakaligtas kay Ben Tulfo ang mga taong pilit na ipinagtatanggol ang It's Showtime at tila nagbubulag-bulagan sa mga pagkakamali ng mga hosts rito.


Imbes na itama umano ang mali ay jinu-justify pa ng mga supporters ang pagkakamaling ito.


Sa kabila nito, tila pinapaalalahanan naman ni Ben Tulfo ang mga host ng It's Showtime na bawasan ang pagkapilyo at ang pagka brusko lalo na't nala live pa man din ang kanilang show.


Tila pinayuhan din niya ang mga ito na magbago at humingi ng tawad sa kanilang mga naunang pagkakamali.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo