Tunay Na Dahilan Ng Di Pagsama Ni Alden Richards Kina Tito Vic at Joey Sa TV5

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat na ni Tito Sotto ang dahilan kung bakit hindi nila kasamang lumipat sa TV5 ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Matatandaan na maraming naglabasan na mga haka-haka at spekulasyon tungkol sa dahilan kung bakit hindi nakasama ng TVJ sa TV5 si Alden Richards gayung isa rin siya sa mga orig Dabarkads.


Ipinunto ni Tito Sotto na kung wala lamang existing contract si Alden Richards sa GMA7 ay tiyak umanong sasama ito sa kanila dahil narinig umano niya mismong gusto naman ni Alden na sumama sa kanila.


Lubos naman ang pasasalamat ni Tito Sen kat Alden Richards sa pagsuporta sa kanila. Aminado din si Tito Sotto na malungkot siyang hindi nila makasama si Alden sa muling pagkakataon.


Matatandaan na nauna nang nagbigay ng respeto si Alden Richards sa kanyang mga naging kasamahan noon sa Eat Bulaga. Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa TVJ at sa iba pa nilang kasamahan dahil ang mga ito umano ang naging dahilan sa kanyang pagsikat.


Samantala, una nang ipinahayag ni Alden na hindi niya tatanggapin kung sakaling alukin siya ng TAPE Inc. na palitan ang TVJ sa Eat Bulaga.


Gayunpaman, kahit saan naman umano mapunta ang TVJ at kanyang dating mga kasamahan, buo naman umano ang kanyang pagsuporta sa mga ito.


Ang pagsuporta na lamang umano sa kanila ang tanging magagawa niya sa ngayon dahil nakatali siya sa iba pang mga commitments.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo