Pokwang Kinoronahan Sa Mrs. Universe Philippines 2023

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Naging beauty queen na ang komedyanteng si Pokwang sa edad na 52 years old matapos siyang ma-appoint bilang Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress 2023 ng Mrs. Universe Philippines Organization na pinamumunuan ng national director na si Charo Calalo sa kabila ng pagiging single.


Agad namang ipinaliwanag ng organization kung bakit si Pokwang ang kanilang napili gayung hindi pa naman ito ikinasal at hindi pa maaring tawaging Mrs.


Ayon sa organization, kwalipikado pa rin si Pokwang sa nasabing title dahil isa naman itong ina kahit pa hindi ikinasal.


Hindi lamang si Pokwang ang kinilala dahil kinoronahan din si Andrea del Rosario bilang Mrs. Universe Philippines Tourism 2023, at si Jean Saburit bilang Mrs. Universe Philippines Classic 2023.


Samantala, labis naman ang tuwang naramdaman ni Pokwang sa pagkakaroon niya ng Beauty queen title. Ayon sa kay Pokwang medyo nabawasan ang bigat na kanyang dinadala ngayong ongoing ang deportation case niya laban sa dating kinakasama na si Lee O'Brian.


“Masaya ako na kahit papaano, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa dami ng blessings sa buhay na dumarating, at isa na nga ang pagkakaroon ko ng beauty title," saad ni Pokwang.


“O ano? Sa mga pangit na pangit sa akin diyan? It’s a tie!” dagdag pa ni Pokwang na sinundan ng matunog na halakhakhak.


Aminado rin si Pokwang na nagulat siya dahil siya ang napili ng organization na bigyan ng nasabing title.


“Na-surprise po ako nang sobra dahil ako ang napili nila sa kabila ng hindi naman ako kasal. Nakita at sinusuportahan nila siguro ang aking adbokasiya na tumindig para sa mga single mom na pareho ng pinagdadaanan ko pero takot na lumantad dahil mahuhusgahan lamang sila,” pahayag ni Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo