Asawa Ni Patrick Guzman Nagsalita Na Hinggil Sa Pagpan@w Ng Dating Aktor!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang asawa ni Patrick De Guzman hinggil sa biglaang pagpanaw ng dating aktor.


Sa pamamagitan ng paglalabas ng official statement, ipinahayag ni Liezle Guzman ang kumpirmasyon na tuluyan na ngang pumanaw ang dating actor na si Patrick Guzman.


"It is with great sadness that we announce the sudden and unexpected passing of Patrick Guzman, on June 15, 2023 in his 56th year.


"Deeply missed by his devoted wife, Liezle, and his loving children Aiden, Aerielle and JAM. Patrick is survived by his mother Jesusa, siblings Theresa (Dave), Buena, Christine (Scott), and Michael. Predeceased by his father Carlos Guzman (1999).


"Patrick will be dearly missed by his many nieces and nephews; Carlos (Jackie), Aj (Emma), Matthew, Taryn, and Lauren; and will be missed by his in-laws, cousins, extended family and Friends."


Napakasakit para kay Liezle ang pagpanaw na ito ng kanyang asawa dahil hindi man lamang siya kasama nito noong atakehin sa puso at nang pumanaw ito.


Kasalukuyang nagbabakasyon si Liezle nang mangyari ang insidente kaya naman masakit para sa kanya na bangkay na lamang ng asawa ang kanyang uuwian.


Pagbabahagi pa ni Liezle, na masakit para sa kanya ang nangyari dahil marami pa umano silang planong gawin ng magkasama, kabilang na ang plano nilang house warming party para sa katatapos lamang na pagpaparenovate sa kanilang bahay.


Samantala sa nasabing statement ng asawa ni Patrick, binanggit niya ang mga naulilang pamilya ng kanyang asawa kabilang na ang kanilang tatlo anak, ang kanyang ina, mga kapatid, mga pamangkin, sister in-laws at mga extended family and friends.


Sa ngayon ay nakaburol pa ang mga labi ni Patrick hanggang sa darating na June 24 at iki-cremate na ito. May dalawang araw naman ang mga nalalapit na kaibigan ng aktor at mga fans na masilip man lang sa huling pagkakataon ang dating aktor sa darating na June 22 hanggang June 23.


Si Patrick Guzman ang binansagang Englisherong Matinee Idol noong 1990's. Napabilang din siya sa mga sikat na pelikula noon at nakasama ang iba pang magagaling na mga artista sa kanilang kapanahunan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo