Sponsor Ng Jalosjos Lumipat Sa TVJ! Commercial Ni Coco Lumipat Na Rin! Lagot! Masama Ang Loob?

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media at ilang mga social media sites ang pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin patungkol sa mga commercials ni Coco Martin at ng TAPE Inc.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, lumipat na umano ang lahat ng mga commercials ni Coco Martin ay lumipat sa bagong show ng TVJ sa TV5. Maging ang isa sa mga major sponsor ng TAPE Inc. Eat Bulaga ay  umalis na rin umano. Subalit hindi pa rin sigurado kung lilipat din ba ito sa TVJ.


Maging ang RiteMed ay umalis na rin umano sa TAPE Inc. 


"Lahat ng commercials ni Coco Martin, lumipat na si Tito Vic and Joey TV5. Pati ang Ritemed umalis na sa TAPE Inc." pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


Samantala, isiniwalat mismo ni Joey De Leon na sa darating na July 1, ay muling mapapanood ang legit dabarkads sa TV5 sa alas dose ng tanghali at 11:30 naman sa tuwing sabado.


Matatandaan na lumikha ng ingay ang balitang may namumuong internal conflict sa pagitan ng TVJ at Eat Bulaga hosts.


Nitong May 31, lamang ay tuluyan na nga nilang iniwan ang production company na TAPE Inc. Nagsunuran naman ang iba pang mga Eat Bulaga hosts.


Sa ngayon ay may panibago nang hosts ang Eat Bulaga ng TAPE Inc.


Samantala, pinalitan naman ng panibagong show ng TVJ na hanggang ngayon ay hindi pa rin isinisiwalat ang pamagat, ang timeslot ng It's Showtime sa TV5.


Sa kabilang banda, lumipat ang It's Showtime sa GTV dahil hindi nila tinanggap ang offer ng TV5 na ililipat na lamang sila sa 4:00 pm timeslot kung saan mas marami umanong batang makakapanood kahit isa na itong delayed telecast.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo