Eat Bulaga Ng Mga Jalosjos Pwedeng Eterminate Ng GMA Dahil Sa Patuloy Na Pagbaba Ng Ratings Nito!

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa ilang entertainments sites na maari umanong i-terminate ng GMA7 ang Eat Bulaga ng TAPE Inc. dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang ratings.


Matatandaan na noong ang TVJ kasama ng legit dabarkads ang hosts ng nasabing show, palagi silang nakakakuha ng matataas na ratings kumpara sa mga katapat nilang shows.


Subalit, nang iwan ng TVJ ang Eat Bulaga at kaagad na nagsunuran ang iba pa nilang mga kasamahan sa show ay marami na sa mga avid fans ng Eat Bulaga ang tumalikod sa kanila.


Naiulat pang mataas ang nakuhang ratings ng Eat Bulaga kasama ng kanilang mga panibagong host, subalit kalaunan ay bumababa ang ratings nito.


Samantala, may mga nagsasabing binigyan na umano ng palugit ng GMA7 ang TAPE Inc., upang makakuha ng advertisers sa kanilang programa.


Nauna na ring naiulat ang umano'y nagsipag-alisang mga sponsors at advertisers ng Eat Bulaga kaya naman patuloy pa rin silang naghahanap ngayon ng panibagong sponsors.


Subalit, nahihirapan na umano silang makakuha ng sponsors ngayon dahil sa mga kinakaharap na isyu ng mga hosts at sa mismong Eat Bulaga.


Ang iba pa umano'y mas gustong makipagdeal sa show ng TVJ sa TV5.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo