Paulo Contis Nagkaka Sakit Na Dahil Sa Mga Bashers, Stress Na Sa Pag Ho-Host Sa Eat Bulaga

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng actor-host na si Paolo Contis ang mga bagay na nangyari sa kanyang buhay mula nang maging host siya sa revamped Eat Bulaga ng TAPE Inc.


Ayon kay Paolo, hindi na siya gaanong nakakatulog dala na rin ng kanyang pag-aadjust sa panibagong trabaho.


"Nanibago nga. Kasi, nang mga first few days, siyempre paod ka pag-uwi ng mga alas tres, alas kwatro. Nakakatulog ako kaagad. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, idlip muna ako. Ang nangyari, nagigising ako ng alas dose na."


"Twelve midnight na, tapos hindi na ako makatulog. So, sinusubujan kong i-adjust. Malaking adjust," saad ni Paolo Contis.


Isa pa sa mga nakakadagdag umano sa kanyang pagod ay ang stress na nararamdaman niya mula sa pambabatikos sa kanila ng mga netizens dahil sa kanilang pagtanggap sa offer ng TAPE Inc.


"Malaking adjustment siya, e. Hindi ko akalain na ganun kahirap. Siguro kasama na doon yung stress. You know, alam naman natin kung ano ang pinagdadaanan namin."


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Paolo Contis na labis pa rin siyang nag-eenjoy sa pagiging host ng Eat Bulaga.


"Ako naman, nag-eenjoy naman ako sa hosting. Pero siyempre, ang kalakip na stress and pressure niya, mas nakakapagod. So, pag-umuuwi ka, talagang... drained ka."


Gayunpaman, pinipilit naman ni Paolo at pinagsisikapan na agad na maka-adjust upang mabuo ang kanyang tulog.


"Right now, I'm trying na ngayon, mabuo ko yung alas nuwebe, alas diyes para makatulog ako."


Ibinahagi pa ni Paolo ang kanyang routine sa trabaho. Kung saan ibinahagi niya an kanyang paghahanda para sa panibagong episode ng Eat Bulaga.


"7:00 o'clock, nandun na ako sa studio. Inaagahan ko, kasi una, ayokong matraffic.Pra by the time na dumating na lahat, kalmado na ako. Alam ko na ang gagawin ko."


Dagdag pang pahayag ni Paolo dahil sa paninibago niya ay namaos ang kanyang boses at tinrangkaso siya.


"Tapos nung isang araw, nag-absent ako. Kasi, nilagnat, trinangkaso talaga ako. So, nag-absent ako isang beses. Pero the next day, OK na."


Alas singko pa lamang umano ay gumigising na si Paolo Contis. Alas sais ay naka-alis na siya sa bahay niya sa Makati upang makapunta sa Eat Bulaga studio na nasa Cainta, Rizal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo