Bimby Aquino, Susundan Ang Yapak Ng Ina Sa Showbiz Industry

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagpirma ni Bimby Aquino ng kontrata talent management firm na Cornerstone Entertainment.


Inilabas mismo ito ng official page ng Cornerstone Entertainment kalakip ang mga larawan na kasama sina Boy Abunda at Bimby Aquino.


“The Cornerstone fam with Bimb 👀📸. Exciting days are truly ahead for the young star,” caption ng Cornerstone.


Ayon pa sa post ng Cornerstone, si Tito Boy Abunda muna ang tumatayong guardian ni Bimby habang nagpapagamot pa si Kris Aquino sa Amerika.


Samantala, marami naman ang natuwa at nag-aabang sa magiging proyekto ni Bimby.


Marami rin ang nagsasabing tiyak na magiging magaling na artista si Bimby dahil napakagaling ng kanyang ina sa larangan ng pag-arte.


"I am looking forward to your show Bimby if ever…"


"I think Bimb is also a good host like his mom."


"wow artista na c bimby!!!! i know tito boy will take care of you"


"this will be a great help to Kris and his future! Good luck, Bimby!"


Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Amerika si Kris Aquino upang magpagamot sa kanyang limang autoimmune diseases. Napagdesisyunan umano ni Kris na pauwiin sa bansa si Bimby upang makaranas naman ito ng normal teenage life.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo