Valentine Rosales Natak0t Makasuhan? Nag Sorry Kay Awra Briguela

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Agad na binawi ng social media personality na si Valentine Rosales ang nauna niyang komento sa pagkakadampot kay Awra Briguela ng mga pulis matapos masangkot sa isang rambulan sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.


Ayon sa komento ni Valentine, ito ang nangyari kay Awra dahil nagmamalinis ito sa social media.


“Ayan masyado kasing matapang at nagmamalinis sa socmed pero makalat sa totoong buhay. Kaya mas ok yung madami galit sayo sa socmed pero pag nakita ka sa personal sasabihin ang bait mo pala,” komento ni Valentine Rosales.


Agad naman itong umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens na nagsasabing sumusobra na sa pakikisawsaw ni Valentine Rosales. Ipinunto rin ng mga netizens na hindi nararapat na gawing katuwaan ang nangyari kay Awra.


Samantala, nang mapansin ni Valentine na puro negatibong sagot ang nakukuha ng kanyang post. Agad niya itong binura at nagsorry kay Awra.


“First of all, I want to apologize to Awra. I’m really sorry, masyado akong nagsalita nang hindi ko pa alam ‘yung buong story. Dinelete ko ‘yung comment ko and hindi na ako sasawsaw, magbabagong buhay na ako,” saad ni Valentine.


Hiling pa niya, “I hope you find the best lawyers to help you na makaalis sa kulungan. Nalaman ko ‘yung reason behind that.”


Pinuri pa ni Valentine si Awra sa pagiging 'true friend' nito sa kanyang mga kaibigan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo