Xian Gaza Nagbigay Ng Pahayag Sa Mga Nanawagan Na Palayain Si Awra

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Tila pinalagan ng social media personality at businessman na si Xian Gaza ang mga panawagan ng ilang mga netizens na palayain na umano ang naarestong si Awra Briguela.


Sa ngayon ay kinakaharap ni Awra Briguela ang patong-patong na kaso na isinampa sa kanya matapos ang naganap na rambulan sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.


Naglabasan rin maging ang iba't-ibang kwento sa naging pinag-ugatan ng rambulan. Ayon sa mga lalaking nakaaway ni Awra, nilapitan sila ng Kapamilya actress at pinaghubad.


Hindi umano sila pumayag kaya ito na ang pinag-ugatan ng lahat.


Samantala, ayon naman sa mga kaibigan ni Awra, binastos umano sila ng mga lalaki at pinagtanggol lamang sila ni Awra ang mga lalaki rin umano ang unang nanuntok.


Marami naman sa mga netizens at mga kaibigan ni Awra ang dumipensa sa kanya at humiling ng kalayaan. Subalit, iba naman ang pananaw ni Xian Gaza rito.


Pinaalalahan ni Xian Gaza ang publiko na respetuhin ang batas ng bansa.


“Inaresto at ikinulong si Awra because that’s how the system works at wala kayong magagawa doon. Na-caught in the act siya sa kaguluhan eh. Nasa tamang due process ang mga pulis na damputin siya,” pagpupunto ni Xian Gaza.


Kinwestiyun din ni Xian ang mga kaibigan ni Awra kung bakit nawala na lamang ang mga ito sa eksena at hindi nagfile ng complaint sa mga nambastos na lalaki.


“Justice for Awra? Guys, the justice system is working properly on him. Sadyang nagkamali lang siya at nabutasan ng batas. Hindi porke trending sa social media eh maaari na siyang palayain. Kahit gaano pa kalinis ang intensyon niya para sa kanyang mga kaibigan,” muling paglalahad ni Xian.


Samantala, naglabas na ng mga CCTV footages si Xian Gaza na aniya'y kuha mula sa bar na pinangyarihan sa nasabing rambulan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo