Xander Ford Sinisingil Ng P349,000 Si Christian Merck Grey Para Sa Binyag Ng Anak

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag na ng social media personality at dating actor na si Marlou Arizala aka Xander Ford ang taong pinaasa lamang umano silang sisipot at magbibigay ng pera sa binyag ng anak na si Baby Xeres.


Matatandaan na noong May 5, 2023, malungkot na ipinahayag ni Xander Ford ang kanyang pagkadismaya sa taong hindi man lang sumipot sa binyag ng anak matapos mangakong maging ninong at magbabayad sa kalahati ng catering services para sa reception ng nasabing event.


“Ngayon yung binyag ng anak ko. Ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala.”


Dagdag pa ni Xander Ford na tila binaliwala na sila ng 'taong' iyon dahil hindi na sila sikat.


“Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko na ridin kami importante kasi dinaman na kami sikat.”


Samantala, nito lamang May 11, 2023 isiniwalat na ni Xander Ford kung sino ang kanyang tinutukoy sa post. Aniya ang taong nangako sa kanila ng kinakasama niya ay walang iba kundi si Christian Merck Grey.


Isiniwalat pa ni Xander Ford na nangako din umano ito na  magbabayad sa kalahati ng catering services at magbibigay pa ng 349,000 para sa kinabukasan ng bata.


“NANGANAK YUNG ASAWA KO JANUARY 2023 SANABIHAN KITA KUYA MERCK KUNIN KITANG NINONG THIS TIME SUMAGOT KA SABI MO xLOU SGE WAG KA MAG ALALA SAGOT KO KALAHATI NG BINYAG MO AKO NA GAGASTOS WAG MUNA ISIPIN YAN’.


“TAPOS MARCH 7 2023 NANGA KO KANAMAN NA ”LOU MAG BIBIGAY AKO NG 349k PESOS PARA SA BABY MONG SI XERES."


Samantala, ngayon ay sinisingil ni Xander Ford si Christian Merck Grey sa ipinangako nitong 349,000 na pambayad sa binyag dahil kung hindi nangako ay hindi pa sana nila gagawin ang seremonya.


“MERCK GANTO NALANG BAYARAN MO NALANG YUNG 349K NA IPINANGAKO MO SA AMIN KASI YUN LANG NAMAN YUNG GUSTO KO IPAG PABAN DITO EDI SANA HINDI NALANG MUNA KAMI NAG PABINYAG KUNG ALAM KO LANG NA HINDI MO TUTUPARIN YAN.”


Pagpupunto pa ni Xander na sana ay hindi na lamang nangako si Christian Merck Grey sa kanila ng kanyang ka-live in partner para hindi na sana sila umasa pa rito.


“SANA DINALANG NANGAKO AT NAG SABI PARA DI KAMI UMASA WALA EH SABI NGA NILA LUMAKI KANG MAYABANG TATANDA KANG MAYABANG PURO PANGAKO HINDI NAMAN TUMUTUPAD.”


Pinaalala din ni Xander Ford ang kanyang naitulong umano kay Christian Merck Grey nang nagsimula pa ito sa kanyang Youtube channel.


“LAST YEAR HUMINGI AKO NG HELP MERCK KASI MALAKI DIN NAMAN NA ITULONG KO SAYO NUON TO HYPE YOUR ACCOUNT PERO ANO PINAASA MO LANG DIN AKO UMOO KA TAPOS BANDANG HULI CANCELLED DAW."


"BAKA IKAW NAG CANCELED KASI DIBA SABI MO SA VLOG MO HINDI KA TUTULONG DUON SA MGA TAONG WALA NAMANG KARAPATANG TULUNGAN SO IT MEANS HINDI AKO KARAPAT DAPAT OK LANG SANA KUYA MERCK DI AKO MAG HAHABOL SAYO DAHIL MASAYA NA AKO SA BUHAY KO PERO IKAW ANO GINAGAWA MO?”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo