Ex Ni Pokwang Na Si Lee O Brian Sa Wakas Nagreak Na Sa Mga Paratang Ng Actress Sa Kaniya!...

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Jerome

 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na di umano ang dating asawa ng actress comedian na si Pokwang.


Ito ay matapos na ma interview ng isang entertainment website na Pep.ph ang American actor at estrange husband ni Pokwang na si Lee O'Brian.


Nangyari ito habang nagsasagawa ng press con. ng Pelikulang kanyang kinatatampukan na may pamagat na "Sandwitch."


Doon nga ay natanong ito, kung anu ang kanyang mga masasabi o reaction tungkol sa mga ibinabatong mga pahayag ng kanyang dating asawa na si Pokwang, at kung anu ang kanyang maibabahagi sa hiwalayan nila ng komedyante.


Hindi na nga pinahaba pa ang naging sagot ni Lee tungkol sa mga tanong sa kanya ng press, at sinabi nga nito na aware naman daw siya sa mga ibinabatong mga salita sa kanya ni Pokwang.


Ibig sabihin lang nito ay alam niya ang lahat ng mga sinabi ni Pokwang tungkol sa kanya.


Ngunit kahit na nga ganun ay nananatili parin naman daw ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak at sa ina ng kanyang anak ito na nga ay si Pokwang.


Sabi ni Lee, "All I can say is I love my daughter, morethan anything in this world."


Dagdag pa niya, "And you know what, I always love for the mother of my child, because she brought my child in this world and that's my story. That's all I can say."


Hiniling panga ni Lee O'Brian na sana ay maging maayos na ang lahat sa kanila, para na rin daw sa kanilang mahal na anak na si Malia.


Aniya, "I hope for the best for everyone, involve the most for my daughter."


Hiling naman ng ilang mga netizens na sana nga daw ay magkaayos na sila kahit hiwalay na nga sila, dahil para lamang sa kapakanan ng kanilang anak na si Malia.


Dagdag pa nila na sana nga daw ay hindi madamay si Malia sa kanilang issue na dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo