Kakai Bautista Ipinahayag Ang Pagkadismaya Kay Rendon Labador

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Maging ang comedian-actress na si Kakai Bautista ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa mga ipinahayag ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador laban kay Michael V.


Hindi rin mapigil-pigil ni Kakai ang kanyang inis kay Rendon Labador at nakiisa sa mga artistang pinagtatanggol si Michael V. laban sa laos comment ni Rendon Labador.


Matatandaan na agad sinagot ni Rendon Labador ang payo ni Michael V. sa lahat ng mga content creators na intindihan ang kahulugan ng content bago gumawa nito.


Ayon kay Rendon Labador na laos na umano si Michael V. at napalitan na umano nilang mga content creator ang kasikatan nito.


Naniniwala rin si Rendon na ang bagong celebrities ngayon ay sila na umanong mga content creator at ang panibagong mainstream media ngayon ay ang social media.


“INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”


Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang mga artista kabilang na sina Tuesday Vargas, Joross Gamboa at Kim Atienza.


May tila pahabol naman ngayon si Kakai Bautista at sinabihan si Rendon Labador na huwag masyadong taasan ang lipad.


“Wag masyadong mataas ang lipad kapatid. Sa industryang ito, hindi na din nagma-matter ang KASIKATAN, and pinakaGoal ay kung sino ang MAGTATAGAL,” pahayag ni Kakai Bautista.


Samantala, nauna nang ipinahayag ni Rendon Labador na wala siyang pakialam sa lahat ng mga bumabatikos sa kanya at dapat na umanong tanggapin ng mga ito na kahit magkampihan pa umano silang lahat ay hindi siya magagapi.


“Kahit mag kampihan pa kayong lahat, wala akong paki alam. Bakit hindi ninyo matanggap na mga laos na kayo? Masakit na katotohanan yan na kailangan ninyong lunukin.”


Matatandaan na nauna nang binatikos ng ilang netizens si Rendon Labador dahil sa kanyang pagbabanat sa actor-director na si Coco Martin at sa teleserye nitong Ang Batang Quiapo na kinukunan sa Quiapo.


Ayon kay Rendon Labador, naging malaking abala sa mga vendors sa Quiapo ang araw-araw na taping ng teleserye.


Gayunpaman, mahinahon itong sinagot ni Coco Martin at itinangging na naging abala sila sa mga nagtitinda roon.


Ipinunto rin ni Coco Martin na may mga permits sila mula sa Mayor's office bago paman simulan ang shooting.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon tumaas pa nga ang sales ng mga vendors sa Quiapo dahil sa mga artistang nagsho-shoot roon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo