Sunshine Cruz at Cesar Montano Pinakilig Ang Netizen Kath Angeles Dapat Daw Bang Mangamba?....

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Jerome

 


Maraming mga netizens ang napa sana all sa actor na si Cesar Montano, matapos niyang mapagsama ang kanyang past and present na pag-ibig.


Ang past ay ang dati niyang asawa na si Sunshine Cruz at ang present naman ay si Kath Angeles.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay, Ipinagdiwang ni Sunshine Cruz at ng kanyang mga anak ang graduation ni Samantha at ang Mother's Day kasama ang dating asawang si Cesar Montano at ang present partner nitong si Kath Angeles.


Makikita nga sa isang larawan natalagang napakasweet tingnan  nilang tatlo na magkasama, nakaakbay pa si Cesar sa dalawa. 


Maraming mga netizens nga ang humanga sa samahan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz bilang mga magulang sa kanilang mga anak.


Dahil sa isinantabi muna nila ang kanilang mga problema para magabayan ng maayos ang kanilang mga anak.


Kaya naman maraming mga natuwa sa pamilya na meron ngayon ang actor na si Cesar Montano.


Ayon nga sa mga netizens na sana ganun din daw ang ibang mga mag-asawa na nagkahiwalay, maging magkaibigan na lamang at hindi na mag-away, alang-alang sa kanilang mga anak.


Mapapansin naman sa larawan na tila nga hindi tumatanda itong si Cesar Montano, at talagang matinik parin sa mga babae, na katulad sa kanyang mga ginawang mga pelikula.


At ganun din naman ang dating asawa nitong si Sunshine Cruz tila parang hindi rin kumukupas ang kagandahan at kaseksihan ng katawan, na kung titingnan mo ang kanilang mga larawan magpamilya ay tila hindi nalalayo ang kanyang edad sa mga anak niya na para bang magkakapatid lang sila kung pagmamasdan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo