Pokwang, Ipinahayag Ang Pambabalewala Ng Mga Magulang Ni Lee Kay Malia

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naglabas ng panibagong banat ang komedyanteng si Pokwang laban sa dating kinasama na si Lee O'Brian. Sa pagkakataong ito ang mga magulang naman ni Lee ang kanyang binanatan.


Ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang video ni Malia habang tinitingnan ang mga regalong damit mula sa mga fans ni Pokwang sa Amerika.


Ayon kay Pokwang, mas mabuti pa ang ibang tao ay palaging naalala at minamahal si Malia hindi katulad ng lolo't lola nito na palagi na lang nakakalimot.


"thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi sya naaalala kahit sa maliit na bagay ❤️🙏🏼 mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA."


"how ironic may kamag anak sya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now waley haahahahhaa iba din ano? thank you tita @elvy.jose yita @agavieres79 and nak @hermajesty_rosehill"  caption ni Pokwang sa kanyang Instagram post.


Bagama't hindi naman tahasang sinabi ni Pokwang na ang mga magulan ni Lee O'Brian ang kanyang pinatutungkulan, nakuha kaagad ng mga netizens ang pinunto niya.


Matatandaan, na ilang beses na ring naglabas ng mga banat at pambabatikos si Pokwang laban sa dating kinakasama. Inaakusahan niya itong tamad at palamunin. Hindi rin umano ito gumagawa ng paraan para maprovide silang mag-ina.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Pokwang. May ilang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Pokwang.


Subalit, may ilan ding tila naririndi na sa pambabanat niya sa dating kinakasama at pinayuhan na lamang siyang mag-move on na.


"Nakakarelate ako. Katibay ng dibdib ng mga ganyan lalaki at pamilya. Kaya doble doble ang sikap ng mga sigle mother like us. Pero nakakaproud bilang babae na kayanin ang lahat para sa anak."


"Hello miss pokwang!!! Be happy na Lang Po.. stop being so negative thank you just a little advice."


"It’s so easy for us to judge without really knowing the real deal of their story. Yes, I applaud him for not bad mouthing his ex. And Pokwang on the other hand was so bitter about the whole separation, do we know why? No"


"Ang mahirap yung Ang daming nabigay sakanila pero d naman marunong mag appreciate sa mga natanggap Nila, Tapus sila pa mataas."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo