Sunshine Dizon Arestado, Matapos Umano Itong Mang Scam! Narito Ang Buong Pangyayari

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang kinakaharap na kaso ng aktres na si Sunshine Dizon.


Nauna nang naiulat na inirekomenda ng NBI na kasuhan na lamang ng Syndicated Estafa ang aktres na si Sunshine Dizon at ang mga business partners nito kasunod ng pagsawalang bahala nila sa mga letters at subpoena mula sa NBI.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, tuluyan nang nagsampa ng kaso ang mga nalokong investors laban kay Sunshine at sa mga business partners nito.


Ayon naman sa inilabas na resolution ng Provincial Service Office ng Daet, Camarines Norte, umabot sa 240000 pesos ang hinihinging bail para sa aktres. 


Ang desisyon ng piskalya ay pirmado nina Associate Provincial Prosecutor Indira Napicol-Martirez at inaprubahan ni Provincial Prosecutor Evillo Pormento.


Inirereklamo sina Sunshine Cruz at Jonathan Rubic Dy ng magkaibigang Rogelio Fonacier at Benedicto Padua na nag-invest ng tig- 5 million pesos para sa online sabong business na in-offer nina Jonathan Dy at Sunshine Dizon.


Ayon pa sa salaysay ni Rogelio Fonacier, ipinakilala sa kanilang mag-asawa ng isang common friend si Sunshine Dizon.


Nagpunta pa mismo sa kanilang tahanan ang aktres upang makipag-usap tungkol sa negosyo noong taong 2022.


Ang pagpapakilala pa umano sa kanila ng 'common friend' ka Jonathan Dy ay bilang natatanging "franchisee" ng Online Sabong Express sa buong probinsiya ng Camarines Norte.


Sinabihan din umano sila ni Sunshine Dizon na pagkatapos ng 2022 elections ay itatalaga raw siya bilang tourism ambassadress sa lugar ni noo'y Governor Edgardo Tallado.


Pinangako rin umano sa kanila na matapos ang pag-iinvest nila ng tig 5 million ay magkakaroon sila ng mother account at magiging sole capitalist sa buong lugar ng Camarines Sur.


Tanging sila lamang umano ang magkakaroon ng access sa lahat ng mga betting accounts sa buong Camarines Sur.


Subalit, matapos nilang ibigay ang kanilang investment ay hindi tinupad ng dalawa ang ipinangakong mother account bagkus si Jonathan Dy umano ang may hawak nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo