Kris Aquino pinauwi na si Bimby sa Pilipinas, Mag-isa Na Lang Sa Amerika!

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Nagpagdesisyunan ng Queen of all Media na si Kris Aquino na pauwiin na sa Pilipinas ang bunsong anak na si Bimby sa darating na July upang makapagpatuloy ito sa pag-aaral.


Bagama't nag-aalala ang kanyang mga kapatid dahil sakaling makauwi na sa bansa si Bimby ay mag-isa na lamang siya sa kanyang pagpapagamot ay mas pinili pa rin ni Kris Aquino na pauwiin ito upang maenjoy ang buhay 16 ng anak.


“My Ate was worried, I had said that Bimb would fly home end of July to study in 1 of our schools offering the International Baccalaureate Program.”


Ayon pa kay Kris Aquino, nais niyang maranasan ni Bimby ang normal na buhay ng isang teenager na dati ay hindi niya naranasan dahil presidente ng bansa ang kanyang ina sa panahong iyon.


“I reassured her, saying ‘Ate, it’s so embarrassing that you all feel I’m so dependent on my 16 years old. He deserves to enjoy being 16. I want him to experience what I didn’t, a regular high school & college life,” saad ni Kris Aquino.


Nilinaw naman ni Kris Aquino na nirerespeto pa rin niya ang mga desisyon ng anak.


Matatandaan na naghome schooling lamang si Bimby mula nang nagpunta sila sa Amerika para sa kanyang pagpapagamot sa kanyang mga auto-immune diseases.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo